CHAPTER 01

281 15 0
                                    

CHAPTER 01 |Start|

~Yanna Elein Samonte~

“Welcome to Ninoy Aquino International Airport.” My grip tightened at the language I'm holding. I sighed and tried to calm myself, excitement and fear mixed up on me. 

Welcome to the Philippines self!

With my laguage on my right hand and a folded suit on my right arm, I looked around the airport while fixing my aviator.

Some are crying and bidding their goodbyes to their relatives or whatever. Some are having big smiles while waiting for their loved one's to arrive while holding their karatola. I smiled at the scenery.

Nakakapagod talaga mag-English! Pakiramdam ko pati ulo ko dumudugo. Huminga ako nang malalim at sinamsam sa ilong ang halimuyak ng Pilipinas. Na-miss ko ang ganitong klaseng amoy, amoy polluted na tambutso! Hmm! Pero syempre joke lang! Sadyang iba lang talaga ang hangin sa Pilipinas. Anong klase ng hangin 'yan, Yanna?

Bago pa lumipad ang isip ko sa malayong dapit ay tumunog na ang telepono ko. Tumatawag si, Mama.

“Hello sino 'to?” tanong ko sa tumatawag.

“Nakauwi ka lang sa Pilipinas nakalimutan mo na ako! Ikaw na bata ka, papauwiin kita rito!” nagda-dramang aniya.

“Po? Ang mga magulang ko ay ang reyna at hari ng Silberatus, ako po ang nawawala nilang prinsesa.” 

“Tseh! Tigilan mo nga ako Yanna, nag-i-imagine ka na naman. Kamusta ang byahe? Nasa Pilipinas ka na ba? Nasaan ka na ngayon?” sunod-sunod ang mga tanong niya.

"Isa-isa lang ang tanong Ma, wala tayo sa giyera para magmadali.” 

“Oh, saan ka na nga ngayon?” 

“Nasa Wattpad world na po ako Ma! Makikita ko na po ang mga favorite Authors ko!” Napuno ng excitement ang utak ko nang maalala ang bagay na 'yon. 

Tumilhi ako pero tinigilan ko nang ma-realize na nakakahiya ang ginagawa ko lalo na at marami ang napatingin sa 'kin.

“Magseryoso ka nga Yanna Elein, baka magmukha kang walking libro dyan!” Natawa ako sa sinabi ni, Mama. Ayos lang, mukha naman akong libro.

“Kararating ko lang po, nasa NAIA pa rin po ako,” sagot ko. Marami pang pina-alala sa 'kin si Mama bago tuluyang binaba ang tawag.

I've stayed in the U.S for four years. Doon na rin ako nag-start ng highschool hanggang sa maka-graduate ng fourth year. Originally, sa Pilipinas talaga ako ipinanganak at lumaki. After years, this is my first time going back to my country. Kaya na-miss ko talaga rito.

Kasama ko si Mama sa ibang bansa, but I decided to continue my studies here in the Philippines kaya umuwi ako. And aside from that, I want to find my biological father.

Tinignan ko ang text sa 'kin ni Ate Ri-yel. Pinsan ko. T-in-next kasi niya sa 'kin ulit ang address ng venue ng kasal niya na ngayong araw mismo mangyayari. Akala niya siguro ay nakalimutan ko. Walang jetlag, jetlag, deritso agad ako sa kasalanan kahit pagod pa sa byahe.

Sumakay ako ng Taxi at sinabi kay Kuya Driver ang address ng isang five stars hotel. 

Sana all five stars! 'Pag ako talaga kinasal sa isang C.E.O tatalbogin ko ang kasal ni ate Ri-yel.

Sa lahat ng pinsan ko, si Ate Ri-yel lang ang pinaka-close ko. Malapit din ako sa mapapangasawa niya na si Kuya Ronron. Matagal na silang in a relationship, bata pa lang ako sila na, kaya masayang-masaya ako na nagdesisyon na silang magpakasal. Aso't pusa rin kasi ang dalawang 'yon dati. 

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now