CHAPTER 29

116 11 0
                                    

CHAPTER 29 |Picture|

~Yanna Elein Samonte~

"We're really going to miss you, Yanna. Lalong lalo na si, Khenzie." Tita Gen said while hugging me. Natawa naman ako sa huling sinabi niya.

"Ma, " Khenzie said with a warning on his voice.

"Don't worry tita lagi naman akong bibisita dito eh, sure akong ma-mi-miss ko rin kayo kaya lagi po akong pupunta dito." I assured her.

"Aasahan ko 'yan?" Tinignan niya ang mukha ko para makasigurado, agad naman akong tumango.

"Thank you talaga Gen, the best ka talaga." Bumitaw na ako sa yakap ni, tita Gen dahil si, mama naman ang niyakap niya.

"Ano ka ba, Yannie matagal na tayong magkaibigan ngayon mo lang nasabi?" Pabirong sabi ni, tita Gen, nagtawanan naman kaming lahat.

Lunes na ngayon, ang sabi ni mama ay nahihiya na raw siya kay Tita Gen kaya kailangan na naming lumipat sa sarili naming bahay. I agree with my mother, though gusto ko pang makasama sina Tita Gen ay nakakahiya nga naman.

Nakangiti kong tinignan si, Khenzie tahimik lang siyang nakahalukipkip sa likod ni, tita. Nasa labas na kami ng bahay nila, naghihintay sa'min ang service na ni, rent namin para ihatid ang konting gamit namin. Gusto nga sanang mag-offer ni, tita Gen na siya na lang ang maghatid sa'min kaso pareho kaming tumanggi ni, mama.
Nakakahiya na, super bait ni, tita Gen sa'min ayaw naman naming abusuhin 'yon

"Khaiden, pag na miss mo ko tawag ka lang." Pabiro kong tinapik ang braso niya, para na kasi siyang carbon copy mg kuya niya. Nakahalukipkip at nakasimangot.

"Tss, hindi kita ma-mi-miss." Aniya, ngumiwi naman ako.

"Ok, lang magkuya nga kayo. Parehong in denial." Sinulyapan ko si, Khenzie na iniirapan ako.

"Pinagsasabi mo dyan?" Dinig ko pang bulong niya.

"Pero seryuso, salamat sa inyong dalawa. Napakainit ng pagtanggap niyo sa'kin, ang bongga nga ng pag welcome niyo may pa tulak pa sa pool." Natawa ako mg maalala ang araw na 'yon.

"Dahil sa inyo pakiramdam ko nagkaroon ako ng mga kapatid, thank you for treating as your family. Hindi man halata pero thank you pa rin."

"Ang cheesy ng drama mo, Yanna." Si, Khaiden. Aba't panira 'to ah. "Here," nagulat ako ng may iabot siya sa'kin. Nagtataka ko naman 'yung tinanggap.

Kunot noo kong tinignan ang token na binigay niya sa'kin, token 'to sa arcade ah? "Premyo mo 'yan, sa pagiging clown." Ngumiwi ako sa kanya pero ngumiti ako sa huli. Na appreciate ko naman, masaya akong malaman na napasaya ko siya.

"Salamat," bumaling ako kay, Khenzie. "Ikaw? Wala kang ibibigay?"

"Wala eh," inirapan ko siya ano pa nga bang aasahan ko.

"Hay!" eksadehera akong bumuntong hininga. "pagnamiss mo ang beauty ko, Khenzie libre lang naman mang stalk sa fb, hindi ako magagalit promise."

Ngumiwi siya sa'kin at pabiro akong tinulak tulak papasok sa kotse. "Pasok na, Yanna lumalakas na ang hangin mahirap na baka tangayin ka."

"Tss, seryuso wala kang sasabihin?" Tanong ko sa kanya, umiling naman siya.

"It's not as if you'll be gone forever. Lilipat ka lang ng bahay, magkikita pa naman tayo sa school, sinabi mo ring madalas kang pupunta sa'min." Pakiramdam ko nagdiwang ang kulisap sa tiyan ko nang marinig 'yon sa kanya. 'Yon lang naman ang hinihintay ko eh.

Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti. "What if kung forever akong mawala?" I asked him.

"I won't let that happen." Aniya, wala na may sumabog na talagang confetti sa sestima ko. Pakiramdam ko pwedeng ng magluto ng itlog sa pisngi ko dahil sa pamumula nito.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now