CHAPTER 46

99 9 0
                                    


CHAPTER 46 |Boyfriend|

~Cyan Khenzie Reñieva~

Hindi ko talaga maintindihan anong pumasok sa isip ni, Yanna at bakit naisipan niyang makipaghiwalay?Dang!? She wants to grow up? She wants to be independent? Then I will let her! Ang hindi ko maintindihan bakit kailangan niyang makipaghiwalay? Pwede naman siyang magpaka-independent at tumayo sa sarili niyang paa without breaking up with me right?! 

Bakit kailangang makipaghiwalay pa! 

That time, aaminin kong nagalit talaga ako sa kaniya. Gusto kong isumbat ang mga nagawa ko para sa kaniya. 

Yanna nandyan ako t'wing kailangan mo ako. Isang tawag mo lang darating agad ako. Kapag nahihirapan ka tinutulongan kita. Handa akong ibuwis ang buhay ko para sayo.

Pero 'di ko magawang sumbatan siya. Kasi mahal na mahal ko siya.

Gustong gusto kong magpaawa sa kaniya pero ayoko dahil alam kong lalo lang siyang mahihirapan. I love her so much that I'm willing to let her go and grow. Kahit hindi ko maintindihan kung anong ipinupunto niya. 

I just understand everything when I started to earn my success. The feeling of being proud to your self cause you achieve it with your own perseverance, hardwork and patient.

My love for Yanna never fades, instead it goes bigger and wilder everyday I'm with her. 

When we broke up napakaraming bagay akong na-realize. Self love. Hindi masamang magmahal, ang masama ay ang ubosin mo ang pagmamahal mo sa isang tao. Dapat magtira ka ng para sa sarili mo, kasi paano ka patuloy na magmamahal sa isang tao kung ikaw mismo sa sarili mo ay walang pagmamahal? 

Standing where I am now, wala na akong mahihiling pa. Yes, Yanna broke up with me. She didn't give me an assurance, pero kahit 'di niya sinasabi ramdam ko ang pag-asa para sa'ming dalawa. 

Kahit 'di niya sinasabi alam kong mahal niya ako, kahit 'di niya sinasabi alam kong kami ang para sa isa't isa.

"Eng. Reñieva," I smiled at Eng. Cruz, he's getting married huh? I didn't expect this two would end up together? Ang laking issue nila sa school dati. 

"Eng. Cruz, congrats." I greeted Zaydel, ngumiti siya at tinapik ang braso ko. Kakagaling ko lang sa meeting together with Eng. Grench para roon sa project na pagmamayari ng kapatid niya. Sakto namang gustong bumisita ng asawa niya sa shoot ni, Nicole kaya nagsabay na kami papunta rito. 

Ang bilis talaga ng panahon, dati mga highschool student kami na clueless kung ano magiging sa hinaharap. Now? Another future is too look forward. 

I looked at Yanna who's busy talking to her friends. I'm looking forward for my future with her. 

Dahan dahan. 'Yan ang isa sa mga natutunan ko sa paglipas ng panahon. Wala namang masamang magdahan dahan basta't patuloy pa ring kumikilos at umuusad. 

She's growing while I'm growing too, we both benefited the break up we had four years ago. As I said my love for her never fades, kahit na ilang taon akong maghintay, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kaniya.

There's always a room for love, it's space will never be emptied cause we need love for us to live. Love is something that we all want, something that we crave for. 
Love is something that can let us feel contented. 

"Tsk," naputol ang titig ko kay Yanna nang magsalita si, Zaydel. "Ang ingay talaga ng mga babae." Zaydel smirked while looking at her fiancée. 

"Sinabi mo pa," I seconded. 

"Kaya nga, tahimik si, Audrey pero kapag kasama mga kaibigan iba. Tsk." Si, Khaizer. 

Saglit lang sila Khaizer at Audrey pagkatapos ay nagpaalam agad, ako naman ay magpapaiwan dito para sunduin si, Yanna. 

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now