CHAPTER 12

115 12 0
                                    

CHAPTER 12 |Hug|

~Cyan Khenzie Reñieva~

Isang boring na naman na Sabado! I invited Brix and the gang pero may gagawin pa raw sila. Gusto ko sana makipaglaro ng ML, lalo na at malapit

na rin ang end season. Naglaro na lang ako mag-isa sa kwarto ko.

Inunat ko ang dalawang braso matapos

ipanalo ang isang laro. I tossed my phone

on the bed sabay linga-linga ko sa kwarto ko, humahanap ng maaaring pagka-

abalahan. Napahikab pa ako, inaantok ako ang aga ko kasi nagising kanina.

Huminga ako nang malalim bago

nagpasya na tumayo at lumabas ng kwarto ko. Si Khaiden lang ang naabotan kong nasa sofa nakahiga kaharap na naman ang iPad niya.

Binagsak ko ang sarili sa sofa katabi ni

Khaiden at tinignan kung anong ginagawa

niya. Naglalaro siya ng Minecraft. Tinignan ko ang ginagawa niyang

building, maganda at malawak.

Malaki talaga ang potential ni Khaiden sa

arts. Magaling siyang mag drawing at

magdisenyo kaso tamad lang humawak

ng lapis, palagi na lang iPad ang hawak niya.

"Si, Mama?" tanong ko nang ma bored

kapapanood sa kanya.

"Nasa taas," aniya ni hindi man lang ako

tinignan focus na focus talaga siya sa ginagawa niya. Hindi ba siyanahihilo? Kasi para sa 'kin nakakahilo ang graphics ng Minecraft. Kahit nga manood ka lang ay nakakahilo na.

"Si, Yanna?" tanong ko ulit.

"Nasa garden," hindi niya ulit ako tinignan

nung sumagot siya.

"Ano'ng ginagawa roon?" kunot noo kongtanong.

"Tignan mo kaya!" Iritado niyang sagot sa'kin. Agad ko naman siyang binatokan.

"Nagtatanong lang, eh!"

"Nasa garden nga!" aniya

"Ano ngang ginagawa?" Ulit ko sa tanong na pabalang niyang sinagot kanina.

Inis niyang binaba ang iPad niya. Finally! Hinarap niya ako at sinamaan ng tingin.

"Malay ko kuya kung anong ginagawa ni

Yanna sa garden. Hindi ko hawak ang CCTV camera para malaman ang bawat galaw niya!" iritado niyang singhal

sa 'kin. Kung maka asta

naman 'to kala niya siya

matanda, eh no?

Sinamaan ko na lang siya ng tingin at tumayo na, pupunta akong garden. Mas masaya pang inisin si Yanna. Pikonin kasi.

"Kilos-kilos din kasi Kuya. 'Pag may nanligaw kay, Yanna ewan ko na lang sa 'yo." Sabi niya habang nakatingin sa iPad niya.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano'ng pinagsasabi nito? Binalewala ko na lang at tinahak na ang likod ng bahay namin kung nasaan ang garden.

Naabutan ko si, Yanna na nagdidilig hawak-hawak ang hose ng dalawa niyang kamay. Space out na naman! Nakatulala, naawa ako sa dinidiligan niyang

tanim sa paso dahil halos malunod na ito sa tubig hindi pa rin nililipat ni Yanna ang hose.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now