CHAPTER 18

102 13 0
                                    

CHAPTER 18 |Secret|

The day was so tiring, basta na lang akong nakatulog sa pagod at pag-iyak ko. Kinabukasan ay namumugtong mata ang bumungad sa'kin sa salamin.

Pagod kong tinignan ang sarili, ang pangit ko! Ang losyang ko! Mas malala pa 'to sa pagbabasa na inabot nang alas dos!

Huminga ako nang malalim at nakangiwing hinawi ang buhok ko habang tinitignan ang mukha sa salamin.

"Hay naku Yanna! Paano ka makakahanap ng Vincentius Theron Hidalgo kung ganyan ang mukha mo? Tsk, tsk." Nagpailing iling pa ako sa salamin.

Dumiretso na ako sa banyo at ginawa ang mourning routines ko. Medyo kinapalan ko rin ang pulbo ko para naman hindi masyadong halata ang namamaga kong mata, naglagay na rin ako nang liptint.

Teka? Ano bang meron sa araw na'to at himalang nag-ayos ako nang maigi sa sarili?

Para makita ni, Khenzie na ito ang sinayang niya! Naku!

Anong kabaliwang iniisip mo Yanna Elein Samonte? Ba't mo naman iisipin si, Khenzie? Paki ko sa lalaking 'yon?

Tinuloy ko ang ginagawang pag-aayos. Na realize ko rin kasing nakakabaliw kausap ang sarili.

Hawak ang dalawang straps ng bag ko ay nakangiti akong bumaba ng hagdan. Naging masama ang araw ko kahapon kaya dapat good vibes ngayon! And to start the good vibes I should face the morning with a smile.

Dapat happy lang! Allergic ako sa nega!

"Good morning po tita!" Masigla kong bati nang madatnan si, tita na naghahanda ng pagkain sa hapag. Nawala ang ngiti ko nang magtama ang tingin namin ni, Khenzie.

Bahagya akong ngumuso at dahan dahang tinaas ang kilay sa kanya. Nilipat ko ang tingin kay, Khaiden na malamig lang ang titig sa'kin. "Good morrning, Khaiden." Masigla ko ring bati sa kanya.

Tinignan ko si, Tita na hindi man lang kayang ngumiti sa'kin pabalik, halata sa itsura niya ang pagkakalito, pag-aalala at bahagyang pagkaka taranta. Alam ko kung bakit.

"Ano pong ulam?" I don't usually asked that pero 'yon na lang ang nasabi ko para basagin ang katahimikan.

"Ah, Yanna?" Patanong na tawag sa'kin ni, tita.

"Yes po?" I attentively respond with a smile. Saglit siyang sumulyap kina, Khenzie bago ako sinagot.

"Ah, w-wala kumain ka na." Tumango na lang ako at umupo.

Sa boung buhay ko ito na 'ata ang pinakatahimik na breakfast ko. Ito rin siguro ang kauna-unahang breakfast na ginusto kong madaling matapos ang oras. Sobrang awkward kasi ng set-up.

Ngumuso ako habang naglalakad papuntang grahe. Iisipin ko pa lang na magkakatabi kami ni, Khenzie sa sasakyan nakakabanas na.

"Yanna," Speaking of Khenzie.

Hindi ko siya hinarap at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Elein," mas matigas na aniya.

Mas lalo lang akong nanggigil how dare he call me that!

"Samonte!" Sigaw niya at hinila ang braso ko. Sa sobrang lakas nang pagkakahila niya ay sumadsad ako sa matigas niyang dibdib.

Shemay! May abs ba 'to? Ba't ang tigas? Ay hindi! Buto buto pala laman nito!

Dinungaw niya ako habang dinadama ko ang dibdib niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Dali dali akong umayos ng tayo pagkatapos ko siyang itulak.

Kainis 'to! H'wag niya akong mahawak hawakan may kasalanan pa 'to sa'kin! Sensitive pa balat ko sa kanya!

"Mag-usap tayo." Seryuso niyang ani.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now