Chapter 04

137 16 0
                                    

CHAPTER 04 |House|

Maaga akong nagising. Kamot kamot ang ulong bumangon ako dahil inuuhaw, wala ng lamang tubig ang pitsel ko kaya kailangan kong lumabas.

Pagbukas ng pinto ko ay sabay din sa pagbubukas, sa kabilang kwartong katapat ko.

Tumama ang mata ko sa paa ng isang babae, pataas sa maroon niyang dolphin short, sa spaghetti strap niyang damit pataas sa mukha niyang bagong gising.

Biglang nanlaki ang mga mata ko. "Anong ginagawa mo rito?" I shouted from the top of my lungs. Ang babaeng nasa tapat ko ay ngumiwi lang at kinusot-kusot ang mata. Mukhang antok na antok pa.

Matapos niyang kusotin ang mata ay nanlalaking mata niya akong tingnan sabay sigaw ng. "Ikaw?! Anong ginagawa mo rito?" Late reaction naman ng babaeng 'to!

"Ako ang unang nagtanong sagutin mo ko!" sigaw ko.

"Bakit kita sasagutin? Nanliligaw ka ba?" pabalang na aniya.

"Ano'ng sabi mo?" inis kong sabi. Huh nanligaw? Ang layo rin ng abot ng imagination nito, ah! 

The realization hits me. Hell, don't tell me? Siya 'ang sinabi ni mama na sa 'min titira? 

Tinitigan ko ang mukha niya at pilit inalala ang picture ng babaeng ipinakita sa 'min ni mama. Nang makompirma ay napa-awang ang bibig ko sa gulat.

"Ba't ba kayo nagsisigawan? ke aga-aga?" Lumabas si, Khaiden sa kwarto niya, papikit-pikit pa at nagkakamot ng ulo. Pareho kaming napatingin kay, Khaiden nang bigla siyang sumingit.

Nang makita niya kaming nakatingin sa kanya ay nagpalipat-lipat din ang tingin niya sa amin ng babaeng 'to.

"Uy!" aniya sabay ngiti. "Nagkita na pala kayo kuya!" aniya. Sinamaan ko ng tingin si, Khaiden dahil sa kakaibang ngiti niya.

"Khenzie siya si, Yanna Elein. 'Yung sinasabi ko sayo na anak ni tita Yannie mo? Sa 'tin muna siya titira." Nasa harap na kami ng pagkain, walang gana kong tinitignan ang breakfast dahil sa irita.

'Itong babaeng 'to? Dito titira sa 'min? Hell, magkakagulo lang kami ng babaeng 'yan.

"If you two remember, nagkita na kayo noon. Kayo lagi ang magkalaro noon diba? Mga 3 years old pa lang kayo noon, naaalala niyo pa ba?" Ang daldal ni, mama.

"Psh magkalaro raw?" Dinig kong singhal ni, Yanna. Nag angat ako ng tingin at sinamaan siya ng titig, inirapan lang naman niya ako.

I clearly remember na magkababata nga kami noon, pero puros away lang naman ang ginawa ko rati sa kanya.

And hel,l I won't admit to myself again na minsan sa buhay ko ay naging crush ko ang babaeng 'to. Kahapon pa siya! Nakaka-irita na siya.

I know ako ang nagsimula ng inisan namin kahapon, pero hindi rin naman makatarungan ang lumabas sa bibig niya.

"I don't remember anything ma." I lied.

"Ako rin tita wala akong na-aalala na naging kababatang.....kulang sa immune." Binulong niya pa ang huling sinabi pero rinig ko naman.

"Huh? diba kahapon?" Puno ng pagtataka ang boses ni mama.

"Huh? Tita wala po talaga!" sagot ni Yanna. Anong pinag-uusapan ng mga 'to?

"Anyways, magpakilala na lang kayo sa isa't isa." sabi ni mama. Hell, ano 'to paaralan? 

Walang sumagot si kay mama. Tahimik namang kumakain si, Khaiden sa tabi napatingin ako kay, Yanna na parang baliw na nakatingin at nakangiti sa jumbo hotdog. Ano iniisip nito?

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang