CHAPTER 09

123 12 0
                                    

CHAPTER 09 |Bet|

~Cyan Khenzie Reñieva~

Bakit 'yon bumaba kita naman niyang ang dami kong barkadang lalaki dito, nakakairita pa ang suot niyang damit!

"Dude! You didn't tell us may chix ka pala sa bahay niyo!" sabi ng isa kong kaibigan.

Inirapan ko siya bago sinagot. "Chix ba 'yon? Sure ka?" sagot ko. Ito na nga ba'ng sinasabi ko e.

"Thanks, Khenzie," sabi ni, Leila nagpatulong kasi siya sa 'kin sa isang laro, tumayo na siya at lumipat sa kabilang couch kung nasaan ang boyfriend niya.

"Ang ganda dude! Bigay mo number sa 'kin!" dagdag pa nito.

"Shut up!" inis kong sabi, ni hindi ko nga alam ba't ako naiinis eh!

"Possessive mo naman! Baka.. " Gatong pa ng isa kong barkada. Inis ko siyang tinignan dahil sa pagputol niya ng sasabihin.

"What are you talking about? Baka ano?" I said.

"Chill bro! Nag aalburoto ka na!" Sabay tawa nilang dalawa, pati ibang barkada ko na nakikinig ay nakitawa na rin.

Inirapan ko ulit sila, sa inis ko ay ibinato ko ang throw pillow sa mga kaibigan. "Anak siya ng kaibigan ni mama, she's living with us kaya responsibilidad ko siya. Huwag kayong malisyoso!"

"Hindi namin tinatanong."

"Share mo lang dude."

"Explain ka lang."

Kanya kanya nilang komento kaya mas lalo akong nainis.

"Nasaan na ba si, Brix?" Iritado kong tanong para malihis din ang usapan.

"Pumunta ng kitchen, naku mukhang sinundan ang kaibigan ng mama mo doon!" Sabay tawa nila.

"Takte ang bilis talagang dumamoves ni, Brix!"

Maiinis na sana ako kung hindi ko lang nakita ang nagisi ngising paparating na Brix. Seriously? Mukha siyang tae o asong ulol sa ngisi niya. Ano na naman kaya nasa malokong utak nito?

"Saan ka galing Bren?" Tanong ko kay, Brix kahit obvious naman na.

He smirked at me, pagkatapos ay pasalampak siyang umupo sa tabi ko. Pinaningkitan ko siya ng mata, Brix is my bestfriend pero wala akong tiwala sa kanya pag usapang babae, maloko 'to! We share the same interests gaya ng paglalaro ng mobile games pero opposite kami pagdating sa usapang babae. "May sasabihin ako sayo mamaya Bren!" Tinaboy ko siya nang bumulong siya sa'kin ang bakla naman nito! Saka 'yang tono ng pananalita niya, tunog may gagawin na kalokohan!

"Khenzie, alis na kami Sude!" paalam ng mga barkada ko, nakipag high five naman ako sa kanila tsaka tumango.

"Talagang 'di ka sasama kina Marvin?" tanong ng isa kong kaibigan. May celebration 'ata kina Marvin, mag-iinoman sila ng pasekreto habang naglalaro ng ML. Pass muna ako baka makastigo ako ni, Mama pag nalaman niyang uminom ako. Saka hindi ko talaga hilig ang pag-inom.

"Hindi muna," sabi ko.

"Sige bawiin mo na lang ang bumaba mong rank haha!" Napapikit ako ng mariin sa t'wing naaalala ko 'yon ay nag-iinit ang ulo ko.

"Oh, Brix 'di ka sasama?" Lahat sila ay nakatayo na ang iba nga ay naka labas na ng bahay. Binalingan ko si, Brix na tamad lang na nakaupo sa tabi ko. Sabi niya kanina ay sasama siya kina Marvin.

"Sunod ako Dude!" nakangusong aniya.

"Sige, sige, Khenzie alis na kami."

"Ano pang ginagawa mo dito?" Sinipa ko ang paa ni, Brix na nakapatong sa center table nang maka alis na mga barkada namin.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now