CHAPTER 05

147 14 0
                                    

CHAPTER 05 |School|

 ~Yanna Elein Samonte~

M

ukhang na nagalit 'ata si Khenzie sa akin? Paano ba naman kasi! Manunulak na lang ang bobo pa! 'Di niya inisip na tirik na tirik ang araw at kitang-kita ang anino niya!

"I really thought nalunod ka na Yanna." Pilya akong ngumiti kay Khaiden. Naka-upo na kami ngayon sa gilid ng pool habang nakasawsaw sa tubig ang paa at tuhod.

"Nag-alala ka?" Sabay taas baba ko ng kilay.

"Hindi, pero mukhang 'yung isa." Binulong niya ang huling sinabi pero narinig ko naman.

Ngumuso ako, "Si Khenzie? Mag-aalala? Mabubuhay na lang 'ata lahat ng fictional character bago mangyari 'yon!" 

Hindi ko naman talaga kasi sinasadyang matamaan ng tuhod ko ang panga niya kagabi! Kahit ako nga ay hindi rin gusto ang larong 'yon, paano ba naman kasi! Pinilit ako ni tita Gen at kuya Ron-ron.

Mahawakan niya lang ang paa ko parang may bumabaliktad na sa sikmura ko. Ang awkward kaya no'n!

Tapos malay ko bang siya pa ang kababata kong si, Cyan Khenzie!

Ang pangit naman ng first meet namin!

Sabi kasi ni mama dapat maging kasundo ko lahat ng tao sa bahay na tinitirhan ko. Nakikitira lang ako kaya dapat makisama ako. Eh, paano na 'yan ngayon?!

"Mabuhay ang mga fictional character? Hindi naman 'ata mangyayari 'yon." Ouch! 

"Kaya nga! Impossible, impossible na mag-alala yang kuya mo sa 'kin. If I know nakonsensya lang 'yon dahil akala niya nalunod talaga ako, o 'di kaya ay nagalit dahil hindi successful ang trip niya."

"Bahala kayo." I know I'm just exaggerating things. Gusto ko sanang mag-sorry kay Khenzie. Pero hindi rin naman siya nag sorry sa 'kin ah?

Bahala siya sa buhay niya.

Pataasan ng pride 'to men!

"Nandito na ang lulutoin!" Sabay kaming tumingin ni Khaiden kay tita Gen na full smile habang may dalang tray ng mga e-gi-grill naming barbecue.

Agad naman kaming tumayo ni Khaiden. Ako ay dumeritso kay tita Gen siya naman ay kinuha ang cellphone niya at pumunta sa bleachers kung saan sila nakatambay kanina.

"Nasaan si, Khenzie?" Salubong ni tita sa 'kin.

I bit my lower lip bago sumagot. 

"Pumasok po ulit eh." Sabi ko sabay suklay gamit ang kamay sa basa kong buhok.

Bumuntonghininga naman si tita. "Ang batang 'yan talaga! Ang tigas ng ulo! Yanna ikaw muna rito pupuntahan ko lang si, Khenzie." Tumango ako kay tita Gen. Umalis siya kaya inasikaso ko muna ang lulutuin namin.

Habang inaayos ang de-kuryenteng grilling ay panay ang tingin ko sa sliding door kung saan ang entrance ng pool area nila.

Sana lumabas si, Khenzie para alam ko naman kung na badtrip talaga siya.

"Aray ko ma! Masakit." Nagulat ako sa paparating na sigaw, kay Khenzie ang boses na 'yon. I immediately fix my eyes sa mga barbecue. Ilang segundo lang ay lumabas na sila, hawak-hawak ni, tita ang tenga ni, Khenzie.

Palihim akong tumingin sa kanila.

Ngayon ay hawak na ni Khenzie ang tenga niyang namumula habang kunot na kunot ang noo.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon