CHAPTER 17

105 10 0
                                    

CHAPTER 17 |Lied|

"Oh, my! Anong nangyari, Mama?" Bungad ni, Tita Gen pagpasok niya ng office. Sabay naman kaming napatinging tatlo sa kanya.

Tatlo na lang kami dito, kaka-alis lang nang mga barkada ni, Khenzie.

"Have a seat Magenta." Nag-aalala kaming tinignan ni, Tita Gen. Sa huli ay kumalma rin siya at na-upo sa tabi ko. Kaharap ni, Khenzie.

"Anong nangyari mama?" Pag-ulit ni, Tita Gen sa tanong niya. Mama?

Mama ni, Tita Gen ang Dean ng Trivino High? Kaya ba lola ang tawag ni, Khenzie sa kanya kanina?

Naging matunog ang pagbuntong hininga ng Dean isa-isa niya kaming tinignan ni, Khenzie. Sa huli ay napayuko na lang ako sa kahihiyang sinapit.

Nakakahiya kay, Tita Gen. Gumawa ako nang gulo habang nasa puder niya ako. I shouldn't be like this, ako na nga lang 'tong nakikitira sa kanila.

"'Yang anak mo, nasangkot sa gambling. 'Yang ina-alagaan mo naman nanapak nang lalaki." Saad nang Dean.

Yumuko na lang ako ayokong tignan ang reaction ni, Tita Gen nakakahiya talaga.

"Ano? Totoo ba 'to Khenzie? Yanna?" Hestiryang ani ni, Tita Gen. I bit my lower lip, ayoko nang mag-explain at magsalita. I don't want tita to upset, sobrang stress na ang nagawa ko sa kanya, lalo pa't anak niya ang sinuntok ko.

'Yan Yanna! Sige gayahin mo pa si, Maxpein! Wattpad pa more!

"I can explain ok?" Nagsalita si, Khenzie.

"I'm so disappointed of you, Khenzie." Naramdaman ko ang pag-iling ni, Tita Gen. "Anong klaseng gambling mama?"

"According to our source they used to play Mobile Legends para magpustahan." Nagsalita ang dean.

"Hindi po ako sumasali sa mga pusta~"

"Goodness Khenzie!" Tita Gen cut him off. "'Yan na nga ba sinasabi ko eh!"

"Hindi nga po ako sumasali sa mga pustahan na 'yan. Nanonoud lang ako ok?" Khenzie explained himself.

"Pumupusta ka man o hindi kasali ka pa rin! You're watching! Alam mong bawal 'yan sa school guidelines niyo pero anong ginawa mo? Sayo na nanggaling diba? Nanoud ka lang." Kalmado pero nakakatakot ang boses ni, Tita Gen. Ito ang unang beses na masaksihan ko siyang ganito ka galit.

Hindi naman naka sagot si, Khenzie sa sinabi ni, Tita sa kanya.

"And Yanna?" Baling nito sa'kin.

Patay! It's my turn ako na ang gigisahin.

"P-po?" Dahan dahan akong nag-angat nang tingin pero binaba ko rin naman ulit.

"Anong nangyari? Bakit ka nanuntok nang estudyante? Is there a problem? Binully ka? Alam mo bang pagnalaman 'to nang mama mo, mag-aalala 'yon." Hindi ko na talaga kayang harapin si, Tita Gen.

My actions kanina are all wrong. Maling nagpadalo-dalos ako nang ginawa. I should think a million times before doing a thing. Kasi kapag ginawa mo na, hindi na mababawi. Pag nagkamali ka? Regrets na lang ang premyo mo.

Sabihin man nating hindi malakas ang suntok ko kay, Khenzie. Pero I guess malakas 'yon? Pumutok labi niya eh?

Anyways, mali talaga eh. Maling mali ang ginawa ko.

"Yanna sagotin mo ko." Pagbabanta ni, Tita.

Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim bago dahan dahang nag-angat nang tingin kay, Tita Gen.

"K-kasi po. Walanamanpoakongproblema." Mabilis kong sabi sabay yuko ulit para finish na diba?

"Ano?" Si, Tita Gen. "Umayos ka Yanna, I have no time for joke." Agad naman akong na guilty, ang seryuso ni, Tita Gen tapos bigla akong mag-ga-ganun.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now