CHAPTER 31

109 14 0
                                    


CHAPTER 31 |Distant|

~Yanna Elein Samonte~

"Oh gosh! Yanna what's wrong?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni, tita Gen. Hindi niya alam anong gagawin sa'kin o kung paano niya ako hahawakan. Niyakap niya na lang ako at patuloy na inalo, kahit wala naman akong sagot sa tanong niya ku'ndi hikbi.

Mahigpit kong yinakap si, tita Gen, gusto ko lang ay maiyak ang lahat ng sama ng loob ko.

Bahagya kong binangon ang ulo nang maramdamang may presensya sa likod ni, tita. Nang magtama ang mata namin ni, Khenzie ay yumuko ulit ako.

Hindi ko alam, pero nahiya ako na makita niya akong ganito, nahiya ako na makita niyang umiiyak ako ng ganito.

Parang ayaw kong tignan si, Khenzie, ayaw kong maawa siya sa'kin.

"Naku namang bata ka, ano ba nangyari?" Hinagod i, tita Gen ang likod pagkatapos ay inakay niya ako papasok, agad naman niya akong pina-upo sa sofa.

"Khezie, kumuha ka ng tubig." Utos niya dito. Walang sinabi, umalis si, Khenzie at sinunod ang utos ng mama niya.

Bumaling ulit si, tita Gen sa'kin pagod niya akong tinignan at pinunasan ang luha ko.

Medyo kumalma na ako kaya ako na mismo ang nagpunas sa sarili, inayos ko na rin ang buhok ko. Ewan ko na lang ngayon kung ano na ang itsura ko, mukha na siguro akong manananggal.

"Anong nangyari?" Seryuso ngunit banayad na tanong ni, tita Gen.

Pinunasan ko muna ang ilong dahil tumutulo sipon ko. "Nagkasagotan lang po kami ni, mama." Nahihiya kong sabi, taimik na ang bahay nila nambulabog pa ako.

Sakto naman ang pagdating ni, Khenzie na may dalang baso ng tubig.

"Uminom ka," seryusong aniya. Uminom ako dahil nanunuyo na ang lalamunan ko dahil sa pag-iyak ko kanina.

"Mag-aalala si, Yannie, nagpaalam ka ba saan ka pupunta?" Umiling ako kay, tita Gen.

Nag walk-out ako, magpapaalam pa ako? Ngumiwi na lang ako sa sariling iniisip.

Natahimik si, tita Gen mukhang gusto niya pang magtanong ngunit pinigilan niya ang sarili. Kaya naman ako na ang nag-salita.

"Nag-away po kami dahil sa papa ko, nasagot ko po siya kaya nasampal n-niya ako, umalis na ako pagkatapos." Pumiyok pa ang boses ko sa huli, isang tulak na lang sa'kin maiiyak na ulit ako.

Napasinghap naman si, tita Gen sa sinabi ko. "Goodness," napahawak pa siya sa noo niya.

"Gusto k-ko lang naman pong malaman ang katotohanan, nagugulohan na rin po kasi ako. S-si, tito Elias" Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil umagos na naman ang luha ko, hindi ko na alam basta nasasaktan na ako.

Hindi nakatakas sa'kin ang reaction ni, tita Gen nang binanggit ko ang pangalan ni, tito Elias.

"Tita, si tito Elias po ba ang ama ko?" Umiiyak at despirado ko ng tanong.

Pumikit naman ng mariin si tita, Gen mukhang gusto na niyang sabihin pero hindi niya magawa. "Wala ako sa lugar para magkompirma niyan, Yanna. Gusto ko ng sabihin dahil alam kong nahihirapan ka na, kayo. Pero wala ako sa lugar para manghimasok sa desisyon ni, Yannie.

Dumapo ang mga palad ko sa mukha upang takpan ang pag-iyak ko. Naramdaman ko na lang ang kamay ni, Khenzie na hinihimas at tinatapik ang likod para aluin ako.

Niyakap naman ako ni, tita Gen. Pakiramdam ko tuloy sa sarili ay kaaw-awa dahil naging despirada na ako masydo.

"Kumain ka muna, tatawagan ko si, Yannie ipapa-alam ko sa kanyang nandito ka para 'di mag-alala ang mama mo." Pagtango na lang ang nasukli ko kay, tita Gen bago siya umalis. Leaving Khenzie and I alone here.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now