CHAPTER 35

108 9 0
                                    

CHAPTER 35 | Graduation, yes|

~Cyan Khenzie Reñieva~

"Kung ako sayo, ligawan mo na dude. Ikaw din, baka makahanap ng iba 'yon." Sinamaan ko ng tingin si, Brix sa mga pinagsasabi niya.

Takte, paano naman makakahanap ng iba si, Yanna eh wala namang ibang lalaking umaaligid doon bukod sa'kin.

"Payong kaibigan, tigilan mo na katorpihan mo Khenzie, ligawan mo na kasi nang ma-experience mo naman paano magaka-girlfriend." Mas lalong sumama ang mukha ko sa sinabi ni, Brix.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko liligawan at gagawing girlfriend si, Yanna para lang sa experience." Singhal ko sa kanya. Christmas break nang magkita kita kami ng mga tropa, nasabi ko kay Brix ang tungkol kay, Yanna dahil napansin ko ang pagiging distansya sa'kin ni, Yanna noong pasko.

"Putcha! Serysohan 'to?" Nanlalaking mata na aniya sa'kin. Agad ko naman siyang kinunotan ng noo.

"Anong akala mo sa'kin? Naglalaro? Hindi naman Mobile Legends si, Yanna para paglaruan." Ngumiwi si, Brix sa'kin at umaktong nandidiri.

"Ang corny mo, p're!" Nakangiwing aniya.

"Seryuso Brix, h'wag mo kong e-tulad sayo na puro laro lang ang ginagawa. Ano ba? May matino ka bang advice?" Singhal ko ulit, kanina pa ako nagtanong umabot na sa ibang topic ang usapan namin.

Ngumisi naman ang loko kong kaibigan. "Edi, tanongin mo siya kung bakit siya umiiwas! Easy dude! Pagkatapos sabihin mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman. Baka naman kasi hindi sigurado sayo si, Yanna kaya umiiwas, o 'di kaya ay may gustong iba?" Pabiro kong sinuntok si, Brix sa braso. Ang sinabi niya ay 'di ko matatanggap. Pero dahil sinabi niya, bumagabag na nga ito sa isip ko.

Si, Yanna may gustong iba? Eh puro fictional characters lang pinapantasya nun!

"Basta dude, sabihin mo lang sa kanya ang nararamdam mo. Alam mo kasi, ang mga babae gusto nila ng assurance. Gusto nila ng sinisigurado sila. 'Yan nga number one cause of break up ko sa mga babae dahil hindi ko sila mabigyan ng assurance, kasi naman p're ang gwapo ko. Sayang naman kung 'di ako ma-e-experience ng iba." Hindi ko na pinakinggan pa ang mga kalokohang sinasabi ni, Brix.

I've been bothered with Yanna lately, halata talagang iniiwasan niya ako eh. And it frustrates me really dang hard! I admit, malala na talaga ang tama ko sa babaeng 'yon. It's just that I can't stand a day without seeing her, lalo na dahil iniiwasan niya ko.

Kaya naman nang malaman ko ang rason niya ay napahagalpak ako ng tawa, dang! I've been frustrated for the past week, tapos ito lang pala rason niya? This girl!

I won't let this past, she told me she likes me. Final. Liligawan ko na si, Yanna, and I'll wait kahit gaano man katagal.

'Banat ng mga wattpad boys'

Dang! Hindi ko akalaing aabot ako sa puntong mag-se-search ako ng ganito. May stereotype kasi, na kapag wattpader ay mataas ang standards nila sa lalaki. Ilang beses ding pinamukha sa'kin ni, Yanna 'yon. Na mas mabuti pa raw ang mga lalaki sa fiction kesa sa reality. Kainis nga eh!

Maraming lumabas nang mag search ako, binasa ko ang unang post na lumabas. Linya yata ito nang isang fictional character?

Marjorie Lian Ggg:
Posted a year ago.

Love is War I'm your soldier.

-Elijah Riley Montefalco.

Mga ganitohang linya ba ibabato ko kay, Yanna? Ewan, ang alam ko basta wattpad kikiligin na 'yung babaeng 'yon.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now