CHAPTER 24

109 12 0
                                    

CHAPTER 24 |Jealous|

~Yanna Elein Samonte~

Ang malapit nga lang ako sa kanya ay nanginginig na ako, ano pa kaya ngayong nakalapat ang labi ko sa kanya.

Abo't abot ang tahip sa dibdib ko, my heart doubled it's heart beat pakiramdam ko ay kaya ng marinig ni, Khenzie ang lakas ng kabog sa dibdib ko. I close my eyes while shivering on his kiss, for freaking freak! It's my first kiss!

I've read on the books what does it feel to be kissed by the person you like, pero kakaiba pa rin talaga kapag reality na, its feels like a cloud 9 tila nawala ang tino sa utak ko. All I want is his lips on mine.

Ok! I want to stop my feelings for Khenzie at first. Seriously? How can I like Khenzie? He's my mortal enemy since day one.

Pero ganito pala ang sinasabi nila na kahit anong iwas mo, magalinh pa ring pumana si, Kupido. Sa Cebu, pakiramdam ko nag-iba ang trato ni, Khenzie sa'kin.

He's still teasing me pero hindi na kasing lala ng dati. He's extra caring and sweet? Ayokong paasahin ko ang sarili ko kaya inisip ko na baka bet lang ang lahat. Masakit umasa, baka mabokya lang tayo sa huli. Remember hindi lahat ni-la-like back!

"Gusto kita! Kontento ka na?" One single shout from him, pakiramdam ko lilipad na ako sa saya. Tila isang iglap nakalimotan ko lahat ng negativity sa mundo.

Kasali na roon ang narinig ko kanina kina tita Gen at Dean. I have hopes na baka ang Elton na pinag-uusapan nila ang matagal ko ng hinahanap na ama. Pero syempre ayoko naman umasa, nakakatakot ang umasa.

Hindi ko alam ang sasabihin pagkatapos ng inamin ni, Khenzie. Nang bumagsak ako sa malamig, at crystal like na tubig ng Aloguinsan Bojo River, naging magaan ang pakiramdam ko na nakuha ko pang ngumiti sa ilalim ng dagat dahil sa kilig.

Pakiramdam ko, ako ang bida sa isang kwento sa Wattpad story! It's like a dream, a fairy tale, mostly like a novel. Ako? Gusto ni, Khenzie I can't believe this!

Dati, hiling ko lang na magkaroon ng mala Wattpad na story, pero ngayon? Pakiramdam ko nagkakatotoo na.

Naka-upo si, Khenzie sa sofa kandong niya sa lap niya ang laptop, nagsimula na siyang mag-edit sa mga nakuha naming videos sa trip namin.

Lunes na ngayon, at matiwasay naman kaming nakabalik ng Manila. Dapat ay papasok na kami ngayon pero dahil pagod pa ang lahat ng tao sa bahay na'to ay nagpasya kaming bukas na lang pumasok. Two days na ang absent namin sa school.

Tumabi ako kay Khenzie sa sofa para tignan ang ginagawa niya. At first I thought magiging awkward ang mga bagay para sa'min dalawa. Pero hindi nagkakamali ako.

"Tell me? Mag-iiba ba turing mo sa'kin ng dahil sa sinabi ko?" Seryuso niyang tanong nang bumabyahe na kami pabalik sa bahay nila, Tita Madrid medyo giniginaw pa ako dahil naligo kami sa Bojo River. Wala sa plano ang pagligo namin sa Bojo River pero dahil nahulog ako at nag dive si, Khenzie en-enjoy na lang namin ang tubig!

Nagulat ako sa tanong niya, it was kinda awkward to talk to him after what he confessed earlier. Pero sana ay walang magbago sa'min, ayos lang na asarin niya ako, basta walang magbago sa'min.

"Ano bang sinabi mo?" Maang-maangan ko, alam ko ang tinutukoy niya but I want to lighten the mood sa pamamagitan ng pang-iinis sa kanya. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko kaya natawa ako sa kanya. Sa huli ay binawi ko rin ang sinabi ko. "Bakit naman mag-iiba turing ko sayo?" I said to him.

"B-because I confessed?" Patanong niyang sagot.

"Ano naman kung nag confessed ka?" Tanong ko pabalik, ang totoo ay gusto ko ng ngumiti dahil nasisiyahan ako sa mga sinasabi niya.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now