CHAPTER 47

90 9 0
                                    

CHAPTER 47 |I Love You|

~Yanna Elein Samonte~

Makulit si, Khenzie pag-lasing, sa elevator pa lang ay hirap na hirap na akong akayin siya dahil sa kakulitan niya. Hindi naman ako galit sa kaniya, it's just that I'm a bit.... jealous. Kasi naman I knew Elaiza, may gusto siya kay Khenzie!

But I trust Khenzie so much, kaso lang ay lasing kaya mahirap na.

"I love you too Khenzie," I whispered at him. I was about to kiss him again nang bigla na lang siyang nagblock-out. Hindi ako makapaniwala!

Hindi ko alam kung papasalamatan ko ba 'yon o hindi! Muntik ng may mangyari sa'min. O my goodness Yanna! I can't believe you!

Hinihingal pa ako sa malalim na halikang 'yon, mariin kong pinikit ang mga mata sa frustration sa sarili. Hindi ko alam saan ako nafu-frustrate! I can't believe myself, sa aming dalawa ako itong maayos ang toktok pero hinayaan ko. Muntik na 'yon!

Bumangon ako at inayos ang higa ni, Khenzie, pagkatapos ay kinumotan ko siya. I smiled while watching him sleep peacefully, sobrang amo ng mukha pagtulog. Pag-gising naman... nevermind!

Sa bathroom na niya ako naghilamos at nag-ayos ng sarili, may extra toothbrush siya roon kaya 'yon ang ginamit ko. Nakealam na rin ako sa closet niya, mabuti at may nakita akong mahabang white t-shirt, and ow! May pajama pa ako rito! Hindi ko rin alam paano napunta ang pajama ko rito.

Pagkatapos mag-ayos sa sarili ay si, Khenzie naman ang inasikaso ko, pinunasan ko lang siya ng basang bimpo pagkatapos ay pinagpalit ng damit.

"Good night," I whispered as I closed his room, sa guest room niya ako matutulog. I set an alarm, kasi dapat maaga akong magising. Lalo na't mukhang 'di ako makakatulog ng maayos.

As I lay in bed I think of everything happened between me and Khenzie. He loves me so much. Marami siyang sinakripisyo para sa'kin, he follows what I want, he cared so much for me. He's loving me almost selflessly.

Siguro naman, panahon na para suklian ko lahat 'yon? Panahon na para ako naman ang magpakita ng walang sawang pagmamahal ko sa kaniya.

Nagising ako maaga pa sa alarm ko, at dahil nga wala akong damit nakealam na naman ako sa closet ni, Khenzie bago naligo.

Tulog pa si, Khenzie pagpasok ko sa kwarto niya, sobrang himbing ng tulog niya.

I went to his kitchen and check on his fridge, napanguso ako nang makita ang laman ng reef niya, 'di hamak na mas marami ang laman ng sa kaniya kesa sa'kin. Tapos sa'kin siya makikikain? Aba mali 'yon!

I cooked scrambled eggs and bacon, nag-toast na rin ako ng bread at naghanda ng hot chocolate. Pakiramdam ko tuloy asawa ako na naghahanda ng pagkain.

Asawa. Thingking of it, nahihiya ako sa sarili ko. I mean this is not the first time that I thought of it.

I prepared everything for our breakfast, may hang-over 'yon kaya naghanda na rin ako ng gamot para sa hang-over, sakto namang patapos na ako ay siyang pagbaba ni, Khenzie.

"Good morning!" Masiglang bati ko sa kaniya, kamot kamot pa ang ulo niya, ni wala pang hilamos, pero syempre gwapo pa rin. Nakita ko ang pagkatigil niya nang makita ako, gulat na gulat eh? Nanlalaki pa ang mga mata niya.

"Y-yanna," aniya parang 'di siya sure na ako nga ito. Bahagya kong tinaas ang kilay sa kaniya bago ngumisi.

"Kain ka na, nagluto ako." Nilahad ko sa kaniya ang nakahandang mesa, saglit naman niya itong tinignan bago ibinalik sa'kin ang tingin. Nang titigan ko siya ay niyuko niya ang ulo, anong problema ng epal na 'to?

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now