CHAPTER 16

111 11 0
                                    

CHAPTER 16 |Punch|

Automatic ang pagtigil ko nang marinig ang usapang na 'yon.

Nasa locker area sina, Brix at Khenzie nag-kukumpolan kasama ang mga barkada nilang gamer din.

"Oo nga Khenzie! Lagi kong nakikita sa post ng mama mo. Ang sweet sweet niyo ng babaeng 'yon." Dagdag nang isa pa nilang barkada na hindi ko kilala.

Ngumisi lang ang nakasandal na Khenzie sa locker.

"Pag nagtagumpay ka sa pagkuha ng loob nang babaeng 'yan. Kawawain mo si, Brix! Total siya naman may pakana nito." Another friend of him said. Lahat sila ay nag-ingay except Khenzie, agree silang lahat sa sinabi ng lalaking 'yon. They even suggested ano ang maaaring ipagawa ni, Khenzie kay Brix.

"Uy kayo naman! Grabe namang kawawain 'yan......" Iling iling na ani Brix.

"Eh ikaw nagpasimuno eh!" May sumingit na isa.

".........Malay ko bang masyadong seseryusohin ni, Khenzie ang bet tungkol sa pagkuha nang loob ni, Yanna! Eh mukhang sobra pa nga sa pagkuha nang loob lang ang ginagawa ni, Khenzie eh! Mukhang pinapa-ibig niya na yata. Diba irita ka doon dati? Disperadong paalisin sa bahay niyo?...O baka naman? Ikaw na ang nag...."

"Yanna!" Napabaling ako nang tingin kay, Rhea nang tinawag niya ako. Hindi ko na tuloy nasundan ang sinasabi ni, Brix.

May sinabi si, Rhea pero mukhang namanhid na yata ang sestima ko sa...sakit? Tila senimento ang paa ko sa kinatatayoan. Naging mabigat ang paghinga ko at umiinit ang sulok ng mga mata ko. I know anytime maiiyak na'ko pero kailangan kong pigilan ang sarili.

Hindi ako tanga! Alam kong ako na Yanna ang pinag-uusapan nila, halata naman eh!

I closed my two fist at dahan dahang naglakad patungong locker area kung nasaan sila. Patuloy pa rin sa pagsasalita si, Brix hindi niya ko nakitang paparating dahil nakatalikod siya sa'kin. Maging si, Khenzie ay hindi nakita ang pagdating ko dahil bahagya siyang nakatagilid ng sandal sa mga locker.

Nagtama ang tingin namin nang isang barkada nila. Nanlalaking mata niya akong tinignan at agad na tinapik si, Brix para patahimikin ito.

"Ano ba!" Angil ni, Brix sa tumapik sa kanya. "Ayon na nga! Ayaw niyang pumayag sa diamonds kaya sabi ko kahit ano na lang na premyo kaya...."

"Yanna ano ba!" Sinigaw ni, Rhea ang pangalan ko kaya natigilan si, Brix sa pagsasalita. Ang grupo nilang maingay kanina ay biglang naging tahimik na tila may nagro-rosaryo.

I saw Khenzie turned to me, he even mentioned my name pero 'di ko siya pinansin at tinignan. Dahan dahan ring humarap si, Brix sa'kin. Ngumiti pa ito na tila hindi ako ang topic niya kanina.

I maintained my cold stare at them, sa tanang buhay ko ngayon lang siguro ako nagkaganito. Sa bigat ba naman nang sama nang loob ko matapos marinig ang pinag-uusapan nila ewan ko na lang kung kaya ko pang magpanggap na masaya kagaya nang ginagawa ko lagi.

"Anong sabi mo Brix?" I said coldly, I know anger is evident in my eyes.

"Y-y-yanna." He stuttered at the mention of my name. Halatang may kasalanan.

"Uulitin ko. Anong sabi mo Brix?" Kalmado ngunit malamig kong sabi.

O heard their friends whispered like.

"'Yan daldal kasi."

"Harapin mo 'yan."

"Lagot ka."

"A-ano, ah ano Yanna. Kasi, kumain ka na?" Halatang 'di niya alam ang sasabihin. Mas lalo pa tuloyng humigpit ang pagsarado ko sa kamao.

I heard the silent laugh of their friends, from what Brix said. Walang nakakatawa. Hindi nakakatuwa.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now