CHAPTER 03

139 15 0
                                    

CHAPTER 03 |Garter|

“Love is really magical, it will come at unexpected time, with an unexpected man. You're the magic that completed my whole life.” Seryuso lang akong nakikinig sa mga kinakasal. They are now exchanging their vows.

“Hindi ko rin inakala na ikaw ang babaeng ihaharap ko sa altar. Sa sobrang dami ng pinagdaanan natin...” I looked around the venue, sakto namang tumama ang paningin ko sa babaeng naka-away at naka-partner ko kanina.

Hindi ko alam kung ngingiwi ba ako o matatawa sa itsura niya. She's crying like an idiot, para bang damang-dama niya ang paghihirap ng mga kinakasal. Nanliit ang mga mata ko ng may maalala, parang nakita ko na ang mukha ng babaeng 'yan.

Pagkatapos kumain ay umalis si Mama, pupunta raw siya ng restroom, kinuha ko naman ang oras na 'yon para sumibat.

“Khaiden, alam mo na ang sasabihin kay mama.” Umalis ako para tawagan ang kaibigan kong si, Brix. Kakamustahin ko lang ang tournament na sinalihan niya.

“Yow, kamusta?” bungad ko pagkasagot niya sa tawag.

“Ayos bro, champion! Mga cancer ang team yabangs! Pinabalik ko sa saya ng nanay nila, walang ambag,” mayabang na aniya.

“Ano may celebration ba?” I asked.

“Nasa party ka na nga celebration pa rin ang hanap mo? Wala bang chicks dyan?” Na-imagine ko ang nakangising mukha ng kaibigan, kupal talaga.

“Monggol, walang chix dito! Manok meron, putak nang putak!” Tuluyan na akong natawa. Pagkatapos makipag-usap ay nagpasya na akong bumalik. Malapit na ako sa venue ng muling nag-ring ang cellphone ko.

“Aray ko, aray ko Ma!” Napatingin ako sa hawak na cellphone ng marinig ang umaangal na boses ni, Khaiden. “Ito na nga, oh, tinatawagan na!”

“Bumalik ka na rito kuya! May ipapakilala raw si mama! Dalian mo!” inis na aniya sa kabilang linya.

“Sino raw?” Hindi na nasagot ni, Khaiden. Bigla na lang nawala ang linya.

Nagsasayahan na ang lahat pagbalik ko. Marami na ang nakatayo at sumisigaw, mukhang naglalaro sila ng mga wedding games.

Nagulat ako ng magtama ang tingin namin ni kuya Ronron, ang groom. Malapit kami sa isa't isa, nagkasundo kaming dalawa dahil parehong mahilig sa mobile games.

“Khenzie!” tawag niya sa 'kin, abot tenga ang ngiti. Hindi pa nga ako nakakasagot ay may hinagis na siya na kung ano, sinalo ko naman agad 'yon.

Garter?

Nagtataka ko siyang tiningnan, lumapit siya sa 'kin at inakbayan ako. Halata sa ngiti niya na may naiisip siyang kalokohan.

“Sumali ka sa laro.” Tinapik niya ang likod ko saka tinulak sa gitna. Anong ibig sabihin nito? Napatingin ang mga tao sa 'kin, lahat sila ay tuwang-tuwa. Nakakunot naman ang noo ko habang hawak ang garter na hindi ko alam para saan. Bumaling ako sa nagsasalitang host, nakita ko sa gilid niya ang mga babaeng nakahilera at naka-upo sa silya.

“Pwesto na mga boys at magsisimula na tayo!” malanding pahayag ng baklang host.

“Chill, Khenzie enjoy,” aniya bago umalis. Inis akong nagpalinga-linga sa paligid. Lima kaming lalaki ang nakatayo sa harap ng limang babaeng naka-upo. I groaned inwardly, sana pala ay hindi na muna ako bumalik sa venue.

Napatingin ako sa naka-upong babae na tumapat sa 'kin. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ito. 'Yung babaeng madaldal.

Kulang na lang ay matupok ako sa sama ng tingin niya sa 'kin. Naka-upo siya sa monoblock chair, namumula ang pisngi na parang angry birds.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Where stories live. Discover now