CHAPTER 20

126 11 1
                                    

CHAPTER 20 |Cebu|

~Cyan Khenzie Reñieva~


I zipped my bag, kakatapos ko lang mag-impake. Si, Yanna kaya tapos na?

Kailangan pa naming mag shoot ng introduction ng vlog.

Days went so fast, Byernes na ngayon ilang oras na lang flight na namin papuntang Cebu.

As usual Yanna's acting casual to me, (for the sake of project daw). She's casual pero alam kong may nagbago talaga sa pakikitungo niya sa'kin.

Malaki ang naging epekto sa kanya nang bet na 'yon. Punyemas naman kasi si, Brix eh! Sinabing ayoko pero pinilit pa rin talaga ang gusto niya. Ang totoo ay wala talagang bet na nangyari, imagination lang lahat 'yon ni, Brix dahil hindi naman ako pumayag.

Ang mali ko lang ay hinayaan ko si, Brix sa mga iniisip niya, hinayaan ko lang siyang ipagkalat ang bet na 'yan sa mga barkada namin. Hindi ko naman kasi inakala na maririnig 'yon ni, Yanna and it will turn out like this!

Edi sana kung alam kong mangyayari 'to una pa lang sinuway ko na si, Brix!

Ang mas mahirap pa nito ay ayaw niya akong mag-explain sa kanya.

Huminga muna ako ng malalim bago kinatok ang pinto ni, Yanna. "Saglit lang po!" Sigaw niya mula sa loob, agad naman akong napangiwi. Maka "po" naman 'to!

"Yes!" Masigla niyang binuksan ang pinto pero nawala agad ang ngiti niya nang makitang ako ang kumatok.
"Anong kailangan mo?" Walang ganang aniya, tila ba pagnakipag-usap siya sa'kin ay kasayangan sa oras niya.

"Tapos ka na mag impake? Mag sho-shoot pa tayo ng introduction." Sagot ko, habang nakapamulsa.

Bumaba ang mata niya sa mga nakapamulsa kong kamay bago nag-angat ulit ng tingin sa'kin. "Alam ko, maghintay ka lang sa baba." Aniya at sinaradohan ako ng pinto.

Napa-awang na lang ang labi ko. "Huh!" Anak ako ng may-ari ng bahay tapos sinisiradohan niya lang ako ng pinto? Ang babaeng 'to talaga!

Ang hirap naman magkagusto sa babaeng 'yon! Pabago bago ang ugali lalo na ngayon, minsan tatahimik o 'di kaya ay ta-tango tango lang, minsan naman normal pakikitungo niya, minsan magsusungit ng ganito, madalas parang baliw!

Bipolar 'ata 'to eh.

Bakit nga ba ako nagkagusto sa kanya? This past days na realize ko kung anong nararamdaman ko para kay, Elein. When she started to act distant to me doon ko narealize ang lahat. I'll admit I like her. And I don't know why.

She's stubborn, madaldal, sometimes boyish, book worm, mapang-asar, malakas tumawa, malakas manghampas, sobrang babaw ng kasiyahan. Tell me? Why do I like her?

Bumalik ako sa kwarto ko at nag-ayos ng buhok, syempre kailangan 'to sa vlog dapat pogi!

"Sige, game." Walang ganang ani ni, Khaiden siya kasi ang may hawak ng cellphone.

Nasa labas kami ng bahay, para e shoot ang introduction namin, kanina ay prinactice na namin ang script at e sho-shoot na nga.

"One, two, three, go." Pagbibilang ni, Khaiden.

"Hi! What's up guyz, this is Yanna Elein.." Napatulala ako kay, Yanna she's smiling from ear to ear, napaka energetic.

Na miss ko na ang ganitong ngiti niya, 'yung ngiti niyang tila walang bukas. 'Yung ngiti niyang nakakahawa.

"Khenzie!" Bahagya akong napatalon nang sinigaw ni, Yanna ang pangalan ko.

"H-huh?" Medyo tulala kong sabi, halata sa mukha ni, Yanna ang pagka-irita napatingin ako kay, Khaiden na naka ngiwi habang pailing iling sa'kin.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player (Trivino Series 03)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu