" Umalis ka na, hindi ka parte ng pamilyang to."
"Hindi kita kapatid, peke ka"
"Go away fake, you're a user"
"Wala akong anak na malandi, umalis ka na kung ayaw mong barilin kita"Nagising ako ng hinihingal. Hindi na ata ako tatantanan ng masamang panaginip na yun. Araw-araw na lang akong nagigising na galing sa masamang panaginip.
Tumayo ako upang punasan ang pawis na tumutulo galing sa mukha ko papuntang leeg. Tumayo ako papuntang bintana, binuksan ko iyon at tumingala habang nagpupunas ng pawis. Hindi pa masakit sa mata na tumingin sa kalangitan dahil hindi pa naman lumalabas si haring araw.
Inalala ko lahat ng nangyari saakin, grabe pala yung pinagdaanan ko, mabuti na lang nalampasan ko lahat ng iyon. Maswerte pa rin naman ako dahil narating ko ang buhay na mayroon ako ngayon.
"Paano kung makita ko ulit sila?"
Anong gagawin ko? Aayusin ko ba ang lahat o hindi ko na sila guguluhin pa. Ang hirap pala.
![](https://img.wattpad.com/cover/304860146-288-k85644.jpg)
YOU ARE READING
HER, Being A Billionaire
Mystery / ThrillerPaano kung ang matiwasay mong buhay nagbago? Lahat ng dapat sayo ay biglang nawala dahil sa isang tao na nagpanggap bilang tunay na ikaw. Itinakwil ka nilang lahat, yung mga tao na aasahan mo iniwan ka at pinagpalit. Ang mas mahirap pa ay sinaktan k...