CHAPTER 16

103 4 1
                                    

Arturo's POV

"Babe, ang mga bata." Saad ko sa aking asawa. Alam niya na ang gagawin. Pinagmasdan ko siya, nililibot niya ang paningin sa buong bahay. Umupo siya sa pang isahang sofa at tiningnan ako. Umupo ako sa harap niya at huminga ng malalim.

"Sumali ako sa kanila dahil sa anak ko." Simula ko.

Kumunot ang noo niya. "You already told me that." Wala ba siyang pasensya? Pero totoo naman ehh, sinabi ko na yun sa kaniya.

"Bago kami makasali sa grupo kailangan naming ipakita na tapat kami." Titig na titig siya saakin. "Dumaan kami sa paddle o yung tinatawag na hazing." Saad ko habang inaalala ang nangyari noon. "Pagkatapos ng hazing, yung mga nakapasa dumaan sa isang forum, kung saan ipinakilala ang ibang boss namin pero yung pinaka mastermind ay hindi nagpapakita." Totoo yun, hindi talaga nagpakita saamin ang mastermind kahit ilang beses nagkaroon ng forum noon.

"What happened to those people who didn't passed the hazing?" Tanong niya. Hindi niya ba talaga papalampasin kahit maliit na detalye?

"They killed them. They killed them in front of us." Ganon sila kasama. Tandang tanda ko pa kung paano magmakaawa ang mga taong yun, kahit hinang hina na sila.
Tumango naman siya senyales na magpatuloy na ako sa pagkwekwento.

"My first mission that they gave to me is you." Hindi ko alam kung anong kasalanan niya sa kanila. Ginawa ko lang naman lahat ng yun dahil kailangan ko ng pera. "May binigay sila saaking mga papeles na naglalaman ng mga dokumentong peke. Tulad ng magpapatunay na hindi ikaw ang anak nila Camilla at Carter Villafuerte at at dokumento rin na magpapatunay na si Magenta ang anak nila." Sinabi saakin na hindi ko yon pwedeng basahin pero binasa ko pa rin.

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. "Ako ang nagdala kay Magenta sa bahay niyo noon at ako rin ang nagbigay ng mga documents sa daddy mo." Ako yung tao na nagtatago noon sa isang gilid habang pinanonood siyang saktan. Gusto ko siyang tulungan noon pero hindi ko magawa. Alam kong may mga taong nakasunod saakin at binabantayan kung ginawa ko ba talaga ng maayos ang misyon ko. Kaya pinakita ko sa kaniya noon ang mala demonyo kong ngisi.

"Yun lang ang alam ko, pagkatapos non wala na silang binigay saaking ibang misyon." Sa ilang taon na kasali ako sa grupo isang mission lang ang pinagawa nila.

Tumango ito ngunit alam kong naguguluhan pa rin siya. "Sinu-sino yung sinasabi mong ibang boss na nagpakita?" Wala pa ba akong nabanggit?

"Dr. Abelardo Tuazon, the doctor who gave me the documents." Matanda na yun pero mukhang sugar daddy kung pumorma.  "Mayor Carlo Hernandez, the Mayor of Pasig City." Isa ring gutom sa kapangyarihan. Lastly, Congressman Norman Beriña, ang pumatay sa mga hindi nakapasa." Walang kaluluwa ang taong yun. Nauna na sa impyerno. Tiningnan ko siya, nakakunot ang noo nito. Makapangyarihan ang mga haharapin mo.

"About the mastermind, I know you have something to tell me." Nakangisi nitong tanong saakin. H-how? Paano niya nalamang may tinatago pa ako sa kaniya!?
"Tell me now Arturo, before I lost my patience here." Tangina! Nakakatakot talaga siya. Babae ba siya!?

"I-isang araw noon, pagkatapos ng forum namin, may nakita akong lalaki na kinakausap sina Dr. Tuazon. Todo ang yuko nila dito kaya napagisipan kung iyong lalaki ay ang mastermind." Simula ko. Ikwekwento ko na lang sa kaniya bago pa ako dito bumulagta.

Masama pa rin ang tingin nito saakin kaya wala akong nagawa kundi magpatuloy. "Balot na balot man ang lalaking yon, pero nasisigurado kong lalaki siya. Sa tindig niya at ang laki rin ng katawan niya plus the height." Kwento ko sa kaniya. "May nakita rin akong tattoo sa kaliwang kamay niya, matapos niyang tupiin noon ang sleeves sa kaliwang kamay." Pag-alala ko sa nakita noon.

HER, Being A BillionaireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora