CHAPTER 52

121 5 0
                                    

Citadel's POV

"Please secure your baggages before going outside." hindi ko na kailangan 'yun. Bitbit ang luggage naglakad ako palabas ng airport. Sumakay ako sa kotse sabay lagay ng luggage sa likod ng sasakyan. Hindi alam nila mama na uuwi ako ngayon.

Ang sabi ko sa kanila ay next week pa ang uwi ko. Did you know that another year had passed? Gustong-gusto ko na silang makita at mayakap. Bumukas ang magarang gate ng makilala ako ng guard. Nanlaki pa ang mata nito sa gulat. I think pinaalam nila mama na next week ang dating ko.

Binato ko sa isang guard ang susi. Hindi na ako nag-abalang kunin pa ang maleta. Ahh I miss this place! Tuluyan akong pumasok. 'Yung mga maids naman ay napapanganga sa gulat. Surprise is a must!

Umaga pa lang ngayon kaya sakto ang dating ko. Sigurado akong nasa dining hall silang lahat. Sana nandito rin ang mga babaita at ang mga anak nilang kasinglaki ng mga baboy.

Sumandal muna ako sa pader at pinagmasdan sila. Masaya silang kumakain habang ang mga babaita naman ay busy sa pagpapadede. Ayan! Paramihan pa ng anak. Palibhasa mayaman! May maiipapakain.

"Can I join?" napatingin sila sa direksyon ko. Napangiwi ako sa kakaiba nilang reaksyon. May nahulog na kutsara, may naibuga ang nginunguya, may lumabas na tubig sa ilong at meron ding sinasapak ang sarili. Aissh! "Can I join?"

"Wahh! Commander namin!" si Victoria ang unang nakabawi sa gulat. Biglaan niya pang binigay sa asawa niya ang anak. Na nagulat din sa biglaang pagsigaw niya. Tarantado talaga. Paano kung hindi agad nahawakan ng kapatid ko ang anak nila.

"A-Ahh!" nakatama ang likod ko sa pader ng bigla niya akong niyakap.

"Namiss kita!!" pinabayaan ko lang siya kahit hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya.

"Hindi kita namiss." napabitaw siya sa inis ng sabihin ko 'yun.

"H-Hindi ka pa rin nagbabago!"

"Hindi naman ako nangibang bansa para magbago." mas lalo itong napasimangot at nagdadabog na nagsumbong sa asawa na tinawanan lang siya. Isip-bata pa rin. Dapat hindi 'yan mamana ng pamangkin ko. Lumapit ako at yakap agad ni mama ang sumalubong saakin.

"I miss you."

"Miss you too, ma." gaya ng ginagawa ko hinalikan ko siya sa noo. Isa-isa ng lumapit saakin ang pamilya ko. At lahat sila ay niyakap ako. Umupo ako sa bakanteng upuan. Pumikit ako at pagmulat ko limang matatabang chikiting ang bumungad saakin.

Naka-by height sila. Sobrang cute. Namumukhaan ko silang lahat. Napangiwi ako ng sinugod nila ako ng yakap. Ang iba ay umakyat pa sa kandungan ko at ang iba ay sumakay sa paa ko. Damn it! Ang bigat.

"Plano niyo bang gawing baboy 'tong mga pamangkin ko?" nahihirapan akong huminga dahil hanggang ngayon nakayakap pa rin sila saakin.

"Ang cute kaya!"

"Cute mo Ace."

Dang it! Nakahinga ako ng maluwag ng isa-isa silang bumaba. Tumayo ako at kaagad na nagpaalam. "May pupuntahan lang ako. Ma, ipapasok mo naman 'yung bagahe ko. Nasa sasakyan."

"Walang problema. Mag-iingat ka." lumabas ako mg bahay. Plano ko siyang sorpresahin. Sinusian ko ang motor sabay paandar nito. Pagkalabas ng gate tinigil ko muna para i-message siya.

Where are you?

At dahil siya si Alexis, na-seen niya agad ang message ko.

Sa bahay, bakit?---Alexis

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now