SPECIAL CHAPTER 1

186 9 1
                                    

Citadel's POV

"Nakausap mo na ba?" tumabi saakin si Alexis.

Tumango ako. "Mmm. But hindi ganon kaayos." ilang beses na kami nag-usap ni papa pero hindi nagiging maayos.

"Why?"

"Ewan ko ba. My pride or his pride. Pinilit kong maging maayos sa harap niya pero siya naman 'tong ang cold." nag-usap kami ni papa. Pero tulad nga ng sinabi ko hindi naging maayos. Galit pa rin siya saakin. Akala ko kapag nag-usap kami ng kami lang, maayos. Peeo kabaliktaran yata.

"Do you want me to talk to him?"

Umiling ako. "Pangit tingnan." napakagat labi na lang ako. Ilang taon na ang lumipas hindi ko pa rin maayos-ayos ang hindi namin pagkakaintindihan.

Napapikit na lang ako ng maramdaman ang malambot niyang labi sa labi ko. Magsisimula na naman siya. Bago pa lumalim ang halik niya tinulak ko na siya.

"Ang landi mo." para naman itong bata na nagtampo. Crossed arms at nakapout pa.

"Isa lang eh. Damot." damot mo mukha mo. Tumayo at naglakad papuntang main door. May narinig kasi ako eh. Parang may nag door bell.

"Hi Commander!" mangugulo na naman 'to. Pinapasok ko na lang si kuya at Victoria. Dala nila ang mga anak na konting taba pa kasinglaki na ng batang hippo.

Akala ko sila lang. Nang makapasok kasi sila at akma kong isasara ang pinto sunod-sunod naman ang busina ng mga sasakyan ang nagpahinto sa akin.

Argh!! Pinabayaan ko na lang na bukas ang tarangkahan. Baka may tinawagan pa sila ayaw ko ng magbukas ulit ng pinto.

"Commander! Bakit nakasimangot 'tong asawa mo? Hindi mo pinaisa 'no?!"

"Tumahimik ka Victoria. Baka itapon ko 'yang anak mo." napanguso naman ito. Hindi pa rin nawawala ang pagiging isip-bata.

"Hello guyss!"

"Hello Commander!"

"Good morning!" hinalikan ako nila kuya sa noo. Hanggang ngayon baby pa rin nila ako.

Napangiwi ako ng makitang kompleto silang lahat. Dala ang mga anak nilang sobrang tataba. Mga obese!

"Pinapakain niyo ba ng kanin minu-minuto 'tong mga anak niyo?"

"Bakit?"

"Mas malaki pa ang mga braso nila kesa saakin." totoo naman. Pati mga pisngi parang mahuhulog na.

"We love spoiling them!" choir? Bahala kayo. Kayo lang din naman mahihirapan.

"'Yung mga junakis niyo nasaan?"

"Sa taas, tulog."

"Tulog pa rin?"

"Mas mabuti na 'yun. Pangigigilan na naman ninyo." may anak na rin kami ni Alexis. In short, sa una kong pagbuntis nakadalawa agad kami. Hindi na ako magatataka kung bakit kambal anak ko. Nasa lahi namin.

"Tweeta." napatingin ako sa anak ni Shane. Ang bunso nilang anak. Lahat sila meron ng lagpas sa limang anak. Kada taon may nabubuntis sa kanila.

"Mmm?"

"Karga ako." napangiwi ako. Ang bigat mo kaya baby girl.

"Iiyak 'yan Commander kapag hindi nakuha ang gusto." sinanay niyo kase. But I can't resist her cuteness. Nakataas na ang matataba niyang braso habang nakatingin saakin.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now