CHAPTER 19

104 5 1
                                    

Professor Jaycee's POV

Mabilis ngunit maingat naming binaba ang stretcher mula sa ambulansya. Sinalubong kami ng mga nurse at ilang doctor. Sila ata yung tinawagan ni Jes kanina. Inagaw nila sa amin ang stretcher at tinulak ito papasok. Marami silang sinasabi pero ni isa wala akong maintindihan.

"Miss! Hanggang dito na lang kayo! Kami na po ang bahala sa kanya." Pigil saamin ng isang nurse ng akmang papasok pa kami sa OR o Operating Room. Napaatras kami at umupo na lang sa upuan na nasa gilid. Napasandal ako sa sobrang pagod. Kanina lang ang saya saya pa namin pero bakit nagka ganito? Halo halo ang nararamdaman ko ngayon.

Kaba

Takot

Pag-aalala

Alam ko ring magiging okay ang lahat. Naiangat ko ang paningin ko ng may marinig akong mga footsteps papalapit saamin. Don't tell me sumugod din dito ang mga estudyante? Buong section kasi ni prof Jellie (Anjellie) nandito ehh. Kasama rin nila yung mga basketball players. Hindi lang sila Alexis pati rin yung kalaban nila.

"How's her cap?" Tanong ni George kay Alexis.

"We don't know yet." Pagod na sagot nito. "Kakapasok niya pa lang naman sa OR." Dagdag pa nito.

Nasakop namin ang hallway papuntang OR. Maganda nga dahil kami lang naman ang tao dito. Mukhang sa mga oras na 'to si Citadel lang ang nasa loob kaya kami lang ang nandito. Nakasalampak sa sahig ang iba habang kami naman ay nasa upuan.

Mga dalawang oras ang lumipas ng bumuka ang pintuan at lumabas ang dalawang doktor. Nagulat pa sila sa dami ng tao na nandito.

"Doc. Is she okay?" Agarang tanong ko. Batid kong hindi lang ako ang naghihintay ng sagot niya.

"S-She's okay. Nawalan lang talaga siya ng malay dahil sa muntik ng maubos ang dugo sa katawan niya. For now, kailangan niya lang ng pahinga." Mahinahon nitong saad.

"B-But Doc, bakita po siya nangisay kanina?" Tanong ni Alexis. Oo nga no?

Ngumiti naman ang Doctor. "Dahil sa tetanus." Tetanus? Saan naman niya nakuha yun? "It is a disease causes muscle contractions, particularly of your jaw and neck muscles. Tetanus is commonly known as lockjaw. Pero sa case niya, kaya siya nagkaganon ay dahil unti-unti nang kumakalat ang tetanus sa kanya." Ahhh kaya naman pala.

"At kung hindi siya agad nadala dito, marahil ay paglalamayan na siya ngayon." Kinilabutan ako sa sinabi niya. "We'll go na. If you have questions about her condition don't hesitate to approach us." Nakangiti nitong paalam. Nanghihina akong napaupo sa upuan. Salamat sa Diyos!

"Alam ko na kung saan niya nakuha ang mga sugat niya at yung tetanus." Nabaling ang atensyon namin sa nagsalita. Teka siya si? Ahh si Clark! Yung isa sa player ng Marquez University.

Paano niya nalaman? "S-Saan?" Tanong ko.

Sa bomba ba?

Tumingala ito. "Sa rooftop. Marami ang nakatambak doon na mga sirang upuan. At meron ring mga kahoy doon na sira sira." Oh? Kaya naman pala. Alam kong hindi ito nagsisinungaling dahil doon siya nag-aaral. "At batid kong marami ang nakausling pako doon." Kung nakatambak ito doon, ehh di makalawang na yun.

"Students, umuwi na kayo. Kami na muna ni prof Anjellie ang magbabantay sa kanya." Saad ko. Kailangan na nilang umuwi. Sa nangyari ngayon posibleng ma-trauma ang iba sa kanila.

"I think, it's impossible to go home prof Jaycee." Napatingin ako kay Zero ng magsalita ito. Nasa gilid siya ng bintana at nakatingin sa labas. "Napakaraming reporter sa labas." R-Reporter?! Pumunta ako sa bintana at tiningnan ang entrance sa baba. Nasa may gilid na parte kasi ng hospital ang OR at nasa 4th floor ito. Oo nga! Napakaraming reporter sa baba!

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now