CHAPTER 22

102 4 0
                                    

Citadel's POV

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may gumagalaw sa ibabaw ng tiyan ko. "Aisshh! Ano ba!" Sigaw ko. Ano ba yun? Tangina naman! Antok pa ako ehh!

Bwisit! Yung pusa lang pala. Gutom na naman panigurado 'to. Naiinis akong bumangon habang tiningnan ng masama ang pusa.

Sampid ka na nga lang!

Inis kong kinamot ang ulo ko... ayaw ko sa lahat yung iniisturbo ako sa pagtulog. Padabog akong tumayo at 'di na nag abalang maghilamos pa. Diretso akong pumunta sa kusina at kumuha ng stock kong tuyo. Tuyo muna ang kinakain niya dahil hindi pa naman ako nakakapag grocery.

Pasalamat ka, may pakinabang ka!

Tuwa tuwa namang umakyat sa mesa ang pusa. Bwisit ka! Kung hindi ka lang cute... matagal na kitang tinapon sa labas! Kumuha na rin ako ng isang cup noodles at nagpakulo ng tubig. Pumunta muna ako sa sala para manood ng tv.

'Di pa rin pala tapos yung issue about sa bomba? Sabado na ngayon at lunes pa yun ahh! Sakto kasi na about doon ang binabalitang mabuksan ko ang tv. Sikat ang university na pinapasukan ko kaya malamang trending talaga yun.

Narinig ko ng tumunog ang kettle senyales na kumulo na ang tubig. Pumunta ako doon at nilagyan na ng mainit na tubig ang cup. Dinala ko iyon sa sala at pinatong sa center table. Hihintayin ko pa palang lumambot ang noodles sa loob.

Mga tatlong minuto ang lumipas ng simulan ko na itong kainin habang nanonood pa rin ng balita.

........................

Kasalukuyan akong nagmamaneho ngayon papunta sa headquarters. Kailangan ko na kasing maka bisita baka kung ano na ang nangyayari doon. Marami pa namang nadagdag.

Sana naman walang naghahari-harian don.

Marami akong dinaanang pasikot-sikot bago ko marating ang headquarters. Kailangang nakatago yun.... iwas na rin sa kalaban. Pinasok ko ang isang kamay ko sa loob ng isang puno at may pinindot doon. Pinasadya ko talagang butasin ang puno para may mapagtaguan ng button.

Bumalik ako sa kotse ko at minaneho. Ang button na yun ay ang nagsisilbing paraan para bumukas ang lupa na papasukan ng sasakyan. Kapag na detect na nakapasok ka na kusang sasarado ang lagusan. Ibig sabihin noon ang headquarters ay nasa ilalim ng lupa.

Galing ko diba?

Fuck! Ba't parang wala ng space sa parking lot? Andaming sasakyang nakaparada, anong meron? Sa dulo na ako nakahanap ng parking lot kaya pagbaba ko naglakad ako pabalik dahil andon ang pasukan papuntang sa main.

Nakilala agad ako ng nagbabantay kaya walang naging problena. Kusang bumukas ang pintuan kaya dire diretso akong pumasok. What the fuck! Bakit nakaluhod ang mga tao dito? Don't tell me, meron ngang naghahari harian dito? Patay siya saakin!

"Lumuhod lang kayo diyan ahh! Hangga't hindi ko sinasabi na tumayo na kayo, ganyan lang dapat mga pwesto niyo! Naiintindihan niyo ba ako?!" Oh? A boy. So lalaki ang nagfe-feeling king dito?

"Opo kamahalan." Tangina! Kamahalan? Galing ba siya sa past? Oldies amputa!

"Ano? Hindi ko narinig. Mas lakasan niyo pa ang sagooottt!!" Konti na lang tatablahin ka na saakin!

"OPO KAMAHALAN!" Bakit sumunod kayo sa kanya? Sino ba yang gagong yan.

"Very good, dapat niyo kong sundin dahil ako ang boss dito! Talaga ba? Eh kung patayin na kaya kita ngayon din? At talagang tatawa ka pa ng mala demonyo ahh? Mabilaukan ka sana. Tangina na mo!

Third Person's POV

Sayang saya ang lalaki sa nakikita niya. Nagmumukha kasi siyang maangas sa dating niya.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now