CHAPTER 28

90 2 0
                                    

Citadel's POV

Nasa canteen ako ng ospital at ako lang sana ang pupunta rito pero babantayan daw ako ng lima.

Ginawa nila akong bata... Tss!

Nagtatrabaho ako ngayon. Pinadala ko kay tita ang laptop kaya nakita niya ang kalagayan ko. Nasermonan pa nga ako ehhh. "Is there a problem in your company Ace?" Natigil ako sa pag type ng tanungin ako ni Adrianna.

"None. I just want to check the activities of the company."

"Oh? Okay."

"It's been weeks since I visited it though..." Last kong bisita do'n may nahuli akong traydor. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa at hindi na rin ako kinausap nila Shane.

"Lanie... We have a new investor?" Nagtaka ako ng makita kong may ibang pangalan na nakalista sa investors? Who are you?

"H-Ha? Wala naman po." Wala? Ehhh kung gano'n sino 'to?

"Then who's Pete Jenkins?"

"Pete Jenkins? Wala po akong matandaang investor natin siya." Ehhh bakit nga nasa list siya.

"I'll send a file to you. Review it and call me when you're done." Sabay baba ng cellphone. Who are you? "Victoria give me the informations of Pete Jenkins." I need to know who is he. He can be another threat to us.

"Roger." Tiningnan ko naman ang income na pumapasok sa kompanya. Baka may traydor na naman at kinukupitan ako. Thank God! Wala naman.

"Ace me---" Hindi na natapos ni Victoria, ang sasabihin ng napalibutan kami ng mga reporter. Fuck! Gano'n na ba kami ka busy at hindi man lang namin sila naramdaman?

"Fuck! Protect Ace!" Hay naku! Ba't naman ako poprotektahan Shane huh? Pinalibutan nilang akong lima at binuka pa nila ang mga kamay na animong may susugod saakin.

"Kayo yung nagligtas sa Presidente diba? At kayo rin yung team Alpha?" Sunod-sunod na tanong ng isang reporter. Halos masilaw na ako sa mga flash ng camera. Iniharang ko na nga sa mukha ko ang laptop.

This is torture!

"Please answer our questions." At talagang lumapit pa sila saamin ah. Tangina! Ipit na ipit na ako.

"Prrrtttt! Prrrtttt!" May narinig akong pito kaya sinilip ko kung ano yun. Thank God! May mga guards na rin. Hinarangan nila ang mga reporter kaya medyo lumuwang na sa pwesto ko.

"Nandito na naman kayo? Bawal sabi kayo rito ehhh!" Pinagtutulak ng isang guard ang isang babaeng reporter na petite. Natumba ito at tumama ang likod sa mesa.

Nasa canteen pa naman kami...

Mali... Maling mali na rin yung ginawa ng guard. Pwede niya namang kausapin ng matino ehhh!

"Oh!" Binato ko ang laptop ko kay Cherry at saka naglakad papalapit sa babae na ngayon ay nakahawak pa rin sa likod. Inalalayan ko ito hanggang maka-upo. Masama kong tiningnan ang guard na tumulak sa babae.

"Ang liit-liit ng babaeng 'to tapos itutulak mo nang malakas?" Naiinis ako... Tiningnan ko ang magiging reaksyon niya at nakita ko rin ang inis.

"Ano naman sino ka ba? Tinutulongan ko lang sila!" Tinuro nito sila Shane na ngayon ay seryosong nakatingin saamin. Hindi niya ba ako nakita kanina?

"Sino ka rin?! Ang laki-laki mong tao! Tapos itutulak mo siya ng ganoon kalakas?" Tiningnan ko ang reporter na ngayon ay nangigilid ang luha habang hawak-hawak ang likod.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now