CHAPTER 24

94 2 0
                                    

Citadel's POV

Tanda is joking right? It's impossible! P-Paanong makikidnap siya? May mga presidential security! Imposible!

Narinig ko ang singhapan ng mga tao rito sa loob. "Your joking!" I don't believe him! He's lying! "Your joking!!" I can't control myself now.

"When did I joke about mission?" Alam ko yun... Pero nagbabasakali akong nagbibiro lang siya. Biglang nawala ang mukha n'ya sa tv at napalitan yun ng isang video.

He's not joking... Fuck! He's not joking damn it! Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano nakuha ng mga lalaki si lolo. Inabangan sila sa hindi crowded ng lugar kaya madaling naisagawa ang plano.

"What now? What's your decision?" Fuck! I c-can't choose. I need to visit lola Precina, today is a very special day. Birthday niya ngayon... At kada birthday n'ya binibisita ko siya sa sementeryo at doon na ako nagpapalipas ng gabi. Importante saakin ang araw na'to. Feel ko kasi kapag nasa sementeryo ako kasama ko yung taong naniwala at inalagaan ako. Yung taong binuo ako... At yung taong minahal ako ng sobra.

"I-I can't!" Pagkatapos kong sabihin yun ay tumakbo ako palabas. Rinig ko pang tinawag ako ni tanda pero nasasaktan ako ehhh. Mabilis akong nagmamaneho at walang pakialam kung may hindi ako nasusunod na rules. I'm going crazy... No! I'm literally crazy right now!

Pinarada ko ang sasakyan sa parking lot ng sementeryo saka patakbong pumunta sa puntod ni lola.

"Happy birthday my beloved lola." Miss na miss na kita. "I miss you... I miss you so much!" Tuluyan ng nahulog ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "B-Bakit mo ko iniwan kaagad? N-Nasasaktan n-na ako lola... Bakit ako nakakaranas ng ganito?" Parang batang sumbong ko sa kanya

Pinatong ko sa tuhod ang mukha ko at doon umiyak ng umiyak. "L-lola... S-Sana yung binigay s-saaking blessing ay yung hindi ko maramdaman yung sakit kapag umatake a-ang emosyon ko. S-Sana hindi a-ako nagkakaganito ngayon." Sobrang sakit! "B-Bakit yung binigay saakin yung hindi ko mararamdaman ang sakit sa pisikal? B-Bat ganon lola?" Suminghot ako ng suminghot. Kinakapos ako ng hininga dahil sa sobrang pag-iyak.

"Lolaaaaa! Bakit ko ililigtas yung isa sa mga taong nagpahirap saakin! Bakit ko tutulungan yung taong ginawang miserable ang buhay ko..." Pahinang pahina na ang boses ko. "W-Why... Why would I help him? Because he needs help?" Kailangan ko rin ng tulong noon diba? Pero hindi niya ako pinansin! "Kinasusuklaman ko siya! Kinasusuklaman ko siya lolaaa!" Ramdam ko ang pagbago ng kulay ng mata ko. I know it's turning red right now.

Calm down... Calm down... Inhale... Exhale. Nanatili akong nakatulala sa kawalan. Wow! My sudden outburst... Minsan lang yun. Humiga ako sa tabi ng puntod ni lola, habang pinagmamasdan ang puno. Pinikit ko ang mata ko at wala ng pakialam kung makatulog man ako.

                           *3 HOURS LATER*

Nagising ako dahil sa lamig. Nagtataka ba kayo kung paano ako nakakaramdam ng lamig? Well meron pa rin naman akong sense of touch and feeling. Sadyang wala talaga akong pakiramdam kapag may mga sugat ako. Umupo ako mula sa pagkakahiga at muling tiningnan ang puntod ni lola.

"Can I go home?" Hinaplos ko ang lapida at isa isang hinawakan ang bawat letrang nakaukit dito. "I promise I'll be back and I will always visit you." Sana hindi siya magtampo saakin. I sigh before standing. Pinagmasdan ko muna ang paligid bago napagpasyahang umalis. Ano ba talagang desisyon ko? Pati ako naguguluhan na rin.

"Tumawag ang Headmaster n'yo, umalis ka raw bigla sa university." Bungad saakin ni tita. "May problema ba?" Sasabihin ko ba?

Umiling ako. "Wala tita, may pinuntahan lang akong importante." Pagsisinungaling ko. Binasa nito kung nagsasabi ba ako ng totoo. Sorry tita, pero mahirap akong basahin ehh.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now