CHAPTER 48

105 8 1
                                    

Citadel's POV

Nanatiling nakatingin siya saakin. Kahit sino pa man ang nasa katawan ko hindi maniniwala sa'yo.

"Don't bother me."  tumalikod ako. As I start walking my co-agents stepped inside the house.

"Bakit ba palagi mo akong tinatalikuran?!" bahala ka sa buhay mo. "Feeling mo ba ang taas mo na?!"

"Can you stop?! What do you need?!"

"I need you!"

"Find another woman who can satisfy you!"

"I like you!"

"Sinong maniniwala sa mga pinagsasabi mo?! Parang kailan lang nung halikan mo ako! And then what's next? Binalikan mo 'yung dati mong nililigawan!" tuluyan ko na s'yang tinalikuran. Bakita yata naging bitter ako? Wala naman siguro akong gusto sa kan'ya di ba?

Shane's POV

Nang mabalitaan naming lahat ang nangyari, mabilis kaming pumunta sa mansion ng mga Villareal. At doon namin naabutan sa loob ang dalawang maliit na kabaong.

"W-Where is she?" napaharap ako kay Adi ng magsalita siya. "Mula pagdating natin dito kahit anino niya 'di man lang natin nakita." kapag ganitong mga sitwasyon nahihirapan kaming hagilapin siya. Nagpapakita siya ng pagiging mahina sa iba minsan ngunit hindi pa rin 'yun sapat para maibsan ang sakit na dinadamdam niya.

Lumapit kami sa mga Villareal at doon namin nakita ang malulungkot nila mga mata. "Condolences po tita." sabay-sabay kaming nagsabi no'n.

"By the way, w-where's Citadel po?" ako na ang nagtanong.

"A-Andito siya kanina. Pero nawala na lang s'yang bigla." ang mama ni Commander ang sumagot saakin. Lumuluha siya at makikita mong puyat na puyat. Nakakabigla ang balitang 'to. Nakakapagtaka lang... Nakakulong na ang mga Alvarez paanong nangyari 'to?

May iba pa bang grupo ang kumakalaban saamin? Naupo kami sa available seats. Katabi lang namin sila tita. Limang minuto ang nakalipas ng pumasok si Commander. Namamaga ang mata niya senyales na katatapos niya pa lang umiyak.

Tumayo kami at sinalubong siya. We say condolences and she just nod. She's been quiet the whole time and it bother us.

Nakatitig lang siya sa dalawang kabaong at nakikita ko pa kung paano tumulo ang luha niya. Cold siya... Ngunit sa ganitong mga bagay mahina siya. Nanatili na lang kaming tahimik. She need some peace of mind.

Sisiguraduhin kong mabibigyan ng hustisya ang kambal.

Citadel's POV

Everything was fine until tita called me and give me a bad news. Kompleto na sana kami kung hindi kami iniwan ng kambal. I miss them... I really miss them. The day has come and today is the burial of the twin. Magiging katabi nila si lola Precina.

Nandito kaming lahat sa sementeryo at tanging senyas na lang ng pari ang kailangan para tuluyan ng maibaba ang kabaong. Hindi ko kayang tingnan ang pagbaba kaya naman lumayo ako.

"Y-Yah! Ace sa'n ka pupunta?!"

"Bumalik ka rito!" wala akong pinakinggan ni isa sa kanila. I continue walking hanggang marating ko ang dulo ng sementeryo.

Naupo ako sa lupa kahit umulan kagabi. Ramdam ko ang pagkabasa ng suot kong pambaba ngunit wala lang 'yun sa sakit na nararamdaman ko. Pinagdikit ko ang tuhod ko at doon umiyak ng umiyak. Sobrang sakit na kahit sinong magcomfort saakin hindi kakayaning mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now