CHAPTER 43

107 5 0
                                    

Citadel's POV

Mahina akong bumangon at natulala pa ng wala ako sa kama. Sa sahig ako natulog? Wala akong matandaan na natulog ako sa sahig. Kagabi... Pumasok ako sa sala ngunit wala na akong maalala pagkatapos no'n. Did I fainted? What happened?

Ano na bang nangyayari sa katawan ko? Una, lumabo ang mata ko. Pangalawa, ngayon. Lumalala na ba ang analgesia ko? Damn it! Nagmamadali akong umakyat. Nakalimutan kong may baby pala ang inuwi. Binuksan ko ang kwarto at naabutang hinihintay ako ng aso. Nakalabas pa ang dila nito. Hinawakan ko lang ang ulo nito at nilapitan ang baby na ngayon ay mulat na mulat at winawagayway pa sa ere ang paa at kamay.

"You're awake huh?" pinanggigilan ko ang pisngi nito. Bumaba kami sa kusina at naabutan doon sila tita. Isa-isa akong nilapitan ng mga bata at niyakap ako.

"Kaninong anak 'yan?"

"Doon sa sundalong hindi ko nailigtas." nagtimpla ako ng gatas at nilagay sa bottle na para sa baby. Kinuha ni tita ang baby saakin at masaya itong hinele. "Mag-asawa ka na kaya ulit."

"Para ano?"

"Para hindi ka na tigang." natigil si tita sa ginagawa at nanlalaking mata na tumingin saakin. Sumubo ako ng ham at ininom ang kape.

"H-Hoy! Ang bastos nito! Ano naman kung tigang ako?!" okay lang na mag-usap kaming ganito. Wala na ang mga bata at alam kong nanonood na ang mga 'yun ng tv. "Ikaw nga! Baka pati 'yang labi mo virgin pa eh!" sa ibabang labi na lang ang virgin saakin tita.

"Bata pa ako tita. Ikaw pa-menopause na."

"Hoy! Ang sama mo talaga saakin! Saka anong menopause? 40 plus pa lang ako!" para kaming mga bata na nag-aaway. Inismiran ko siya at pinagpatuloy ang pagkain. Samantalang siya naman ay masayang-masayang nakatingin sa baby.

"By the way where's your daughter?"

"Tulog pa ata."

"Oh? Sabihan mo ngang lakarin ang mga papeles ng mga bata. Ang iba sa kanila dapat nag-aaral na."

"Oo, mamaya sasabihan ko." tinapos ko ang pagkain at bumalik sa kwarto. Naligo ako at nagbihis ng isang white hoodie at black pants. Friday ngayon, may pasok. Sinuot ko na rin ang white shoes at mabilis na bumalik sa baba.

"Sige na umalis ka na at late ka na. Ako na bahala sa cute na batang 'to." pinisil niya pa ang pisngi ng bata. Ang galing niya ah? Pinapaalis ba naman ako?

"Big fella, take care of them." hinimas ko ang ulo ng aso. "Tita ikaw na bahala. Pakainin mo sila pati na 'yang aso." umalis na ako at sumakay sa black porsche. Kumusta na kaya sila?

Nagdrive ako at napahinga ng maluwag ng hindi pa traffic. Kasi naman, sa Pilipinas lang ata nangyayari ang sobrang traffic. Biruin mo... Maaga pa sobra na ang traffic. Ikaw ba naman mayaman na raw kasi ang Pilipinas. Iyan ang palaging naririnig ko sa ibang bansa. Kaya raw traffic sa Pinas dahil marami na ang may sasakyan. It means... Mayaman daw tayo.

Pinarada ko ang sasakyan at bumaba. Inayos ko pa ang nagusot na damit. Pinasok ko sa hoodie ang dalawang kamay at nagsimulang maglakad. Nagulat pa ang guard ng makita ako na tinanguan ko lang. Hindi pa man ako nakakalayo sa gate, ng makita ko ang mga estudyante sa ground. Friday ngayon ah? Wala namang flag ceremony.

Unti-unting umatras ang mga estudyante ar doon ko lang nakita ang pinagkakaguluhan nila. Si Headmaster at isang babae na ngayon ko lang nakita. Maputi, payat, matangkad ngunit mas matangkad pa rin ako, maliit ang katawan na akala mo hindi pinapakain at mukhang mataray. Transferee ba siya?

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now