CHAPTER 1

151 6 0
                                    

Citadel's POV

I'm here inside the bake shop to find food to eat. Pinili ko ang tuna bread. Binayaran ko muna ito at naghanap ng bakanteng mauupuan. Inilabas ko sa plastic ang isang cup of coffee na binili ko sa katabing tindahan ng bake shop. Hindi na ako nakapagluto ng kakainin ko ngayong umaga dahil marami akong gagawin sa buong araw na ito.

Nang maubos ko ang kape at tuna bread, tumayo na ako at lumabas ng bake shop. Naghanap ako ng tindahan ng mga bulaklak, ng makahanap ako binuksan ko ang pinto at naabutan ko na maraming customer ang namimili ng mga bulaklak. Napakaraming pagpipilian ngunit pinili ko ang isang bungkos ng rosas na kulay pula at puti. Lumapit ako sa isang babae na nagbabantay at nagtanong.

"Miss how much is this?" Tiningnan ko ang damit niya at mayroon itong name tag na may pangalang Anne.

"750 pesos po Ma'am."  Nakangiting ani nito. Hindi na ako magtataka kung mahal ang presyong sinabi ni ate dahil halata namang imported ang mga tinda dito.

Tinanguan ko lang siya at pumunta sa casher dala ang bungkos ng rosas. Binayaran ko ito at lumabas na ng flower shop. Nilingon ko ulit si ate na nagngangalang Anne pansin ko kasi na parang balisa ito kahit nakangiti. Ngunit hindi ko na iyon pinansin. Pumunta ako sa kotse ko at pinaandar ito. Pupunta ako sa isang sementeryo, the one who I cherish the most was there.

Pagkarating ko ay bumaba agad ako dala ang bungkos ng rosas. Before I enter the gate I look up to read the name of the cemetery.

"South Lincoln Private Cemetery". I whisphered.

Naglakad na ako papasok at nabigla ako kasi maraming tao. Sakanila siguro yung mga sasakyan na nakita ko sa labas kanina pag park ko. Hindi ko na lamang ito pinansin at naglakad na lang papunta sa puntod niya. Naupo ako sa harap ng puntod niya at inalis ang mga dahon na nasa ibabaw ng nakaukit na pangalan nya.

"Precina Lopez," I sigh.

"How are you my Lola. It's been 3 years since you died and it's been 1 year the last time  I visited you." Para akong tanga na kinakusap ang puntod niya, pero pinagpatuloy ko pa rin.

"Di ka naman siguro nagalit di ba?" I sigh. "Alam mo ba lola na, lalong nagiging active tong kakayahan ko. Parang gustong gusto niyang makawala at tumulong sa iba. Mabuti na lang at nakokontrol ko pa." Natulala ako ng sampung segundo at nagpatuloy.

"Paano kaya lola kung hindi mo ako natagpuan? Buhay pa kaya ako? Maganda ba ang magiging buhay ko?" Ang dami kong tanong na gustong sabihin sa kaniya, na para bang sasagutin niya ako. "Kung di mo ako nakita, mababago ba ang dala kung apelyido? Lola, alam kung kulang ang pasasalamat para mapuno ang mga nagawa mo saakin. Habang buhay kitang pasasalamatan sa lahat."

"Natapos ko na pala lola ang kurso sa pagdodoktor at nakapasa na ako sa board exam. Pwede na akong magtrabaho sa ospital . Yun ang gusto niyo sa akin diba? Nagawa ko na at alam kung masaya ka para saakin. Pero lola, ngayong darating na pasukan, yung gustong kurso ko naman ang susundin ko, kahit mag-aral ako ulit okay lang saakin. Naalala ko tuloy yung panahon na masayang masaya si lola kasi nakapasa ako sa entrance exam para sa pagdodoktor kahit 13 years old pa lang ako. Alam kung imposible yun pero, wala silang magagawa dahil sobrang yaman ni lola. Hindi naman siya nagbayad para makapasa ako, tinakot niya lang naman yung Presidente ng University na pinasukan ko noon na pag hindi daw niya ako binigyan ng advance exam para makapasok agad sa college, pababagsakin daw ni lola ang University. So, hindi na ako dumaan sa High chool noon.

"Tandang-tanda ko pa lola nung pinalitan niyo yung pangalan ko. Pinalitan niyo ng apelyido ninyo ang apelyido ko at tinanggal niyo ang pangalawang name ko." Inasikaso talaga ni lola yung mga requirements ko, siya lahat.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at natuon ang pansin ko sa puno na nasasandalan ko. Pinasadya ko talaga na sa tabi na puno ilibing si lola dahil gustong-gusto ni lola ang mga puno. Ibinalik ko ang tingin sa lapida at nagsalita.

"Lola, I'm here as Citadel Lopez, not Citadel Celestine Villareal. Ipinapangako ko po na iingatan ko lahat ng ipinamana ninyo saakin at pangako rin po na palagi ko na kayong bibisitahin." I sigh. Tumayo ako at nagunat. Tumalikod na ako at naglakad. Bago pa ako makalayo tiningnan ko ulit ang lapida ni lola at nagpakawala ng isang ngiti, totoong ngiti.

Nangangalahati na ako sa paglalakad papuntang labasan, ng makita ko yung mga taong nakita ko kanina, huminto muna ako at pinagmasdan sila. Pauwi na rin siguro. Ngunit lalo akong natigilan ng makita ko sila. Malungkot sila at halatang galing sa pag-iyak. Tinitigan ko sila at tiyak akong kumpleto sila. Sino ang iniyakan nila? Hindi naman sila kulang.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hindi inaasahang may mabubunggo ako na isang batang lalaki, siguro mga 4 years old. Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon. Iiwanan ko na sana siya ng hilahin niya ang laylayan ng damit ko. Tiningnan ko ulit siya at nagtanong.

"What do you want?" Nang hindi ito tumigil sa paghila ng dami ko.

"Tamahan mo ako doon" Sabi ng bata. Tinuro niya ang pamilyang tinitingnan ko kanina.

Wala akong nagawa, kaya sinamahan ko na lang ito. Nang sa tingin ko ay kaya niya ng pumunta doon mag-isa, hindi na ako sumunod sakaniya.

Binuksan ko ang kotse ko at pinaandar na ang makina nito. Hindi muna ako umalis at hinintay yung pamilya. Sumakay na rin sila sa kaniya kaniyang sasakyan at umalis. I sigh.

"I already saw them, ang bilis naman. Tsk."

Hindi ko na iyon pinansin at nagdrive na.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now