CHAPTER 44

117 4 0
                                    

Citadel's POV

Aaminin ko, nahihirapan ako sa dalawang 'to. Mukhang malakas ang babae kapag kasama niya ang lalaking 'to. Ang bilis ng galaw nila na minsan hindi ko nasasabayan. Nahahati pa sa tatlo ang atensyon ko. Isa, nasa'n na ang mga babaita, pangalawa ang bomba, at panghuli ang dalawang ito na ngayin ay pinapaulanan ako ng suntok. Pucha talaga!

Tinukod ko ang dalawang kamay sa semento sabay sipa sa paa ng dalawa. Natumba sila at nagkatamaan pa ng noo. Geez! Sakit no'n.

"Commander!"

"Find the bomb Shane! Ako na bahala rito!" hindi ko tiningnan si Shane ng sabihin ko 'yon. Baka samantalahin ng dalawang 'to.

"You're good." naglabas ng kutsilyo ang dalawa. Ang daya naman nila! Pinunasan muna nila ang dugong lumalabas sa mga bibig nila.

Sabay silang sumugod saakin. Isa sa harap ko at isa sa likod. Hinawakan ko ang kamay ng lalaki na may hawak na kutsilyo. Hinigpitan ko ang kapit sabay sipa naman sa kamay ng kapatid niya. Tumalsik ang kutsilyo. Binangga ko sa tuhod ko ang kamay ng lalaki kaya nabitawan niya rin ang kustilyo. Pinilipit ko na rin ang kamay niya kaya nabali ito.

"Ahh! Arghh!" nilapitan siya ng kapatid na kaagad hinarangan siya. Wala na akong oras para sainyo. Lumapit ako sakanila at may pinindot sa leeg. Natumba ang mga ito. Hindi naman sila patay, mahimbing lang ang tulog.

"Commander we can't find the bomb!" fuck! Nasipa ko ang babae sa mukha dahil sa inis. Putangina! Nasaan ang bomba?

Isa-isa ko ulit na tiningnan ang mga tao na may kaniya-kan'yang hawak na cellphone. Maaring kinabit nila iyon sa tao. Napansin ko ang isang bata na pinapasok ang kamay niya sa loob ng damit ngunit nabibigo siya. Posible kayang... Tumakbo ako sa bata sabay tanggal ng jacket nito. Damn it! Nasa bata nga!

Napaatras ang mga tao sa nakita. Samantalang inosente namang nakatingin saakin ang bata. Fuck! Pati bata dinadamay nila. "Ate makati po..." fuck!

"Bombsquad now!"

"Yes Sir!" lumuhod sila sa harap ng bata at masuring tinitingnan ang bomba. "Sir! Limang minuto na lang po ang natitira!" fuck! Fuck! Fuck!

Sa kakamura ko sa isipan, nakita ko ang lalaki ng pinatulog ko sa mall. Nagising na pala siya? Dahil malapit lang saakin ang isang pulis, hinablot ko ang baril nito at tinutok iyon sa lalaki. Nagpulasan ang mga tao kaya siya ang naiwan. "Who's your boss?" matapang itong humarap saakin. Mas lumapit pa ito at dinikit pa ang noo niya sa baril.

"Patayin mo na lang ako." para s'yang adik na hindi mo maintindihan. Itim ang ngipin at medyo pula ang mata. Nakahithit ang putangina! Kaya ang lakas ng loob. Makukuhanan kita ng impormasyon kapag nahimasmasan ka na. Pinalo ko sa batok niya ang baril na s'yang kinatulog nito.

"Sir! Hindi pwedeng galawin ang bomba!"

"Why?"

"Kapag may puputulin tayong wire bibilis ang timer nito. Kahit anong wire ang putulin natin hindi matitigil ang oras dahil lahat ng wires ay konektado sa timer." darn it! Tiningnan ko ang batang ngayon ay pilit pa ring pinapasok ang kamay sa t-shirt ngunit hindi nito magawa. "Pero merong ibang paraan Sir. Kapag pumutol tayo ng isang wire matatanggal ang lock sa katawan ng bata. Maalis natin ito sa kan'ya ngunit ang problema ay ang timer. Bibilis ito at walang lugar na pwede nating pagtapunan ng bomba rito. 'Yung walang tao Sir." napayuko ako sa narinig. Paano? Hindi pa ako nalagay sa ganitong sitwasyon. Tangina talaga!

Pinagmasdan ko ulit ang bata na pilit pa ring pinapasok sa loob ng damit ang kamay ngunit nabibigo lang. Ang inosente niya para sa ganitong katarantaduhan. Huminga ako ng malalim saka pinagmasdan ang buong paligid. Isang building ang pwedeng makasolve ng problema namin. Ayos!

HER, Being A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon