CHAPTER 51

103 6 0
                                    

Citadel's POV

"Papa! Papa ko!! Pa!" kinalampag ni Alexis ang rehas. Gustong-gusto niyang gisingin ang ama. "Pa! Papa!" at sa wakas naalimpungatan na rin ang matanda. Umupo ito sa higaan at kinusot-kusot pa ang mata. Ngayon ko lang napansin na magkamukha sila ni Alexis kahit maedad na iot. Inobserbahan kami nito. Nag-aadjust pa siya sa liwanag. Hinihintay kong mamukhaan niya ang sariling anak.

Nagliwanag ang mukha nito sabay takbo papunta saamin. Siguro kong wala ang rehas nayakap niya na ang anak. "Pa-Papa!" hindi ba siya napapagod kakasigaw ng papa?

"Al-A-Alexis? Ang a-anak ko?" hinawakan nito ang pisngi ng anak. "A-Anak ko!" nahihirapan ito sa pagsalita. Pinabayaan ko lang silang mag-ama. Moment nila 'to.

Siguro mga limang minuto ang lumipas ng lumapit ako sa dalawa. "So... Mr. Walter ngayong nakita mo ang anak mo, may napagtanto ka ba?" wala akong maramdamang galit sa kanilang dalawa.

"Matagal ko ng napagtanto ang lahat. Matagal na rin akong nagsisisi." that's a good news though. Tumango ako saka tinanggal ang palad niya sa mukha ng anak. "Papakawalan ko naman kayong lahat. Pero hindi pa ngayon." hinila ko si Alexis pabalil sa taas. Kinandado ko ulit ang pasukan.

"Can you explain everything to me?" nakakagaan ng loob ang hindi siya magalit saakin. Isa ata sa ugali niya ang pagiging mahinahon. Maliban na lang noong una naming pagkikita at ang pag-aaway at asaran namin. Umupo ako sa damo na sinunod niya naman. Sa tabi ko mismo siya umupo.

"Nahilig akong kunin ang mga taong mga makasalanan. Tinitipon ko sila."

"For what?"

"Para iligtas at pahirapan sila "

"You are really weird." I know. Ganito na talaga siguro ako. "Pero paanong iligtas?"

"Alam ko na rin ang kalalagyan nila sa kamay ng mga pulis. Nakukuha mo naman siguro ang punto ko di ba?" tumango naman ito.

"Mmm. Papahirapan sila hanggang umamin." hindi naman pala siya low gets. "Marami ng kaso na gan'yan di ba? Kapag walang nakuha ang mga pulis sa pinapaamin nila pwede nilang patayin ang isang tao." tumingin ito sakin sabay ngiti.

"Pero... Ang mga tinatago ko ay pinapahirapan ko rin."

"Sa paanong paraan?"

"Kung anong ginawa nila sa mga naging biktima nila ay binabalik ko sa kanila."

"Para saan?"

"Para maranasan at maramdaman nila kung paano maging biktima."

"Iyon lang ba talaga ang dahilan?"

"No. Para magsisi sila. At kung dumating man 'yung panahon na pwede na silang pakawalan at ibalik, gagawin ko." hindi siya nakapagsalita.

"At kailan mo balak?"

"Kapag nakauwi na ako rito."

"That's good. At least makakasama ulit namin si papa." humiga ako sabay ginawang unan ang isang braso.

"May isa pang rason kung bakit sinama kita."

"What is it?"

"I want you to take care of them while I'm studying."

"T-Talaga? Pwede ko 'yung gawin?"

"Yep." diniinan ko pa ang pagpronounce ko sa p. "Feed them. Iyan lang naman. Dahil ang kwarto nila ay automatic na sa ibang bagay." high tech kaya 'yun. "I will give you the key."

HER, Being A BillionaireOnde histórias criam vida. Descubra agora