CHAPTER 35

98 4 1
                                    

Adrianna's POV

Nandito kaming lima sa labas ng mansion at kanina pa naghihintay sa kan'ya. Alas-kwatro ang usapan namin pero alas-siete na wala pa rin siya.

"Ano na naman kayang naisip ni Commander at ayaw pumunta rito?" Napatingin ako kay Victoria na bagot na bagot na.

"Imposible namang sa damit kasi... Naka uniform naman tayo. Hindi naman tayo magsusuot ng dress!" Kahit ako! Hindi ako pupunta rito kung magsusuot din lang ng dress.

"Alan niyo namang darating lahat ng nagpahirap sa buhay niya sa party na 'to." Yes that's true Shane. Iyan din ang naisip kong rason niya. Actually 8 pm talaga ang start ng birthday party. 3-7 ay ang paghintay sa mga dadalo at 7-8 naman ay preparation. Bantay sarado lahat ng pinto at lagusan sa mansion. Aasahang half of the politicians ay pupunta rito.

"Sa loob na tayo. Nag-text na sa'kin si General So." Gusto man naming puntahan si Ace ay hindi namin magawa. "Sa baba ng hagdan tayo naka toka." Fuck! Kitang-kita kami ng lahat. Dahil dalawa ang hagdan, kami ni Lesley ang sa kaliwa at 'yong tatlo naman ay sa kanan.

Hindi pa man kami tumatagal sa pwesto namin ay lumapit saamin ang bunsong kapatid ni Ace. 'Yong lalaki. "Wala pa ba si ate?" Nakikita mo ba 'yong ate mo bata?
Inilingan siya ni Lesley kaya napanguso ang bata. Hindi ko na rin aasahang darating pa iyon dito.

"All rise." Tumayo naman ang lahat ng magsalita na ang lalaking host. They play the national anthem of the Philippines and after that someone lead the prayer.

"Today we celebrate the 72nd birthday of our beloved President. Now let's welcome our birthday celebrant! President Angelito Villareal!" Nawala lahat ng ilaw maliban sa spotlight sa taas ng hagdan. Nandoon ang buong angkan ng Villareal at inaalalayan ang matanda. Ang matandang nagpahirap sa Commander namin!

Parang pambata ang style ng party na 'to!

Yumuko ako ng nasa tapat ko na ang matanda. Kung hindi lang 'to para kay Ace wala ako rito! Naglakad ang Presidente papunta sa mikropono na nasa gitna.

"Good evening to all of you. Sa mga senador, spokesperson, staffs, governors, congressman's, mayor's, good evening. Students, attorney's, wala na akong masabi basta lahat ng andidito magandang gabi sainyong lahat." Ulit-ulit ka na sa good evening mo! "Most specially to my family good evening." Nakailan na ba 'tong good evening? "I just want to say thank you. Thank you for coming here to celebrate with me." Thank you naman ng uulit-ulitin niya? "Thank you and enjoy the night." Enjoy mo mukha mo! Sila mag-eenjoy kami hindi!

"Hoy! Ayusin mo nga yang mata mo! Parang papatayin mo na ang Presidente sa tingin mo!"

"Actually gusto ko na nga talaga." Sinamaan naman ako ng tingin ni Lesley.

"Boang ka na ba?" Tinaasan ko na lang ng kilay si Lesley at nanatili na lang sa pwesto at nanahimik. Nagpalipat-lipat sa iba't-ibang table ang Presidente at nakikipag-usap sa mga politiko.

Ang iba d'yan buwaya!

"Let's have some entertainment for tonight." Lumabas sa stage ang isang babae na sa tingin ko ay kakanta. May hawak kasi s'yang microphone. Ibinaling ko sa iba ang paningin at inayos ang earpiece. Kumakanta na ngayon ang babae at ang title ng kanta ay Starving.

Gutom na siya.

"Adi punta raw tayo sa table nila General So." Ano namang gagawin namin do'n? Nagkatiniginan kami ni Lesley at sabay na naglakad. Hinintay kami ng tatlo sa isang gilid at sabay-sabay na kaming pumunta sa table nila General So. Marami s'yang kasama na mga high rankings, nakasuot pa ng military uniform.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now