CHAPTER 46

115 4 0
                                    

Citadel's POV

Nakatanaw ako sa kabaong ni prof Anjellie na unti-unting ibinababa. Hindi matigil sa pag-iyak sina Jayson at professor Jaycee. Hindi ako lumalapit dahil nalaman kung dahil saakin nangyari ang lahat ng 'to.

Pinaamin ko muna ang ama ni Magenta bago siya i-surrender sa pulis. Inutusan daw siya ng mga Alvarez para patayin si prof.

Marami ang nangyari sa loob ng isang linggo. Hindi ko na dinagdagan ang kasalanan ko. Iniba ko ang plano, mula sa, pagpatay hinahapan ko na lang ng butas ang mga tarantado at ako na rin ngayon ang nagbibigay ng information sa mga pulis. Undercover kung baga.

Apat na politiko na ang naipakulong ko at isa na ro'n si Congressman Beriña. Kahit malakas ang kapit at kapangyarihan nila hindi sila makalabas ng kulungan. Malakas ang mga nakuha kong ibedensya laban sa kanila. Samantalang si Alvarez naman ay unti-unting bumabagsak ang pinagkakakitaan. Nakukulong na kasi ang humahawak sa mga negosyo niya.

Kompleto silang lahat. Mga estudyante, staffs, Headmasters at mga professor. Andito nga rin ang anak ni Alvarez. Nabalitaan kong nililigawan ulit ni Alexis si Savannah at isa na lang ang masasabi ko sa kan'ya. Wish him luck. Malas ang nililigawan niya ehh.

Nakaupo ako sa isang kabaong ngayon. Hindi naman siguro ako mumultuhin ng nakalibing sa loob. Isa-isa na silang nagsitapon ng bulaklak. At maya-maya pa nilagyan na rin ng lupa ang kabaong. Unti-unting umalis ang mga dumalo at kanya-kanyang punas ng luha. Hinintay ko muna silang makaalis lahat at ako naman ang tumayo sa harapan ng pangalan niya.

May hawak akong puting bulaklak.

"I'm sorry prof... Hindi ko man lang napansin na ikaw na pala ang minamanmanan nila." umupo ako sa carpet at pinagmasdan ang langit. "It's my fault... Pakiramdan ko, walang saysay ang pagkakakulong ng pumatay sa'yo." binunot- bunot ko ang dahon ng carpet sa harap ko. "I'm sorry I-I can't kill him prof and I know you don't want me to become a criminal again right?" hinaplos ko ang pangalan niya. "But I promise... I will make everything clear and bright. From now on I'll protect them. Jayson, Bettany... All of them." tumayo ako at hinulog ang bulaklak. "Rest in peace prof." tumalikod ako at umalis.

Alam niyo bang 1 week na akong hindi umuuwi sa bahay? Naging busy kasi ako sa mga nakaraang araw sa paghahanap ng ibedensya. About naman sa university, cancelled ang pasok. It means... Halos two weeks ng walang pasok. Sigurado akong after ng week na 'to, may pasok na ulit.

Pumasok ako ng sasakyan at handa na sanang paandarin ng tumunog ang cellphone ko. "Yes ma?" may problema kaya?

"May charity event ang lolo mo sa Quezon. Malapit na kami ro'n. Sumunod ka na lang."

"Kayo? Kasama mo lahat ng tao sa bahay?"

"Yes."

"Tapos ngayon lang kayo tumawag?"

"Sorry. Busy kami sa pagbihis ng mga bata kanina."

"Okay." pinatay ko ang cellphone. Inis kong hinampas ang manibela. Delikado! Damn it!
Marami ngang bantay 'ron. Marami ring tiwaling pulis na kampi sa kan'ya.

"Victoria?"

"Yes Ace?"

"Where are you?"

"Quezon City. Sa charity event ng lolo mo." pati sila nando'n din?

"Take good care of my family. Susunod ako."

"Oh? Talaga? Hindi kami nakasuot ng army uniform Ace. Means... Nakakacocktail dress kami. Kaya mo ba?" damn it! Hinahamon niya ba ako? Pinaandar ko ang sasakyan. Kailangan ko pang bumili ng dress.

HER, Being A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon