CHAPTER 37

115 7 1
                                    

Citadel's POV

Miss me?

"Surprise?" Tinutok ko sa lalaki ang baril na hawak. Sobrang yabang mo kanina... Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo. Pagkakita mo pa lang nga saakin naihulog mo agad sa takot ang phone mo.

Wala na akong pakialam kung makita akong ganito ng lahat. Alam naman na nilang agent ako eh. Saka alam na ata ng buong bansa kung sino at kung ano ang trabaho ko. So anong pang saysay kung itatago ko lahat ng 'to?

"P-Paanong?!" Anong paanong? Paanong nabuhay ako o paanong nandito ako sa harap mo?

Akala niyo rin ba patay na ako? Mas marami pa yata ang buhay ko sa pusa. Saka masamang damo ako! Inaamin ko. Nakita kong tinago niya sa likod ang kaliwang kamay. Hindi ako bobo! Ano 'yon? Ahah! Alam kong sesenyasan mo ang mga kasamahan mo.

"Huwag kang magtangka!" Mas lalo itong nagulat ng sigawan ko siya. Sige lang... Matakot ka lang.

"Mayabang ka! Porket ano? May hawak kang baril at nakatutok saakin?!" Mmmm... Pinipilit patatagin ang boses. Kung makapagsalita akala mo naman hindi nagyabang no'ng may hawak ding baril.

"Anong gusto mong iparating?"

"Maglaban tayo mano-mano!" Hindi siya manghahamon kung wala s'yang ibubuga. Sige pagbibigyan kita. Matagal na rin ng huli akong nakipagbakbakan.

"Game! Baril n'yo." Nilahad ko ang kamay ko sa harap nila. Humarap siya sa ground at sinenyasan na lumapit sa kan'ya ang mga kasamahan. Umakyat silang lahat sa mini stage na 'to at tinapon sa may paa ko ang mga baril. Kinuha ko ang plastic bag na naglalaman ng cellphone ng mga taong mga nakaupo ngayon sa ground.

Sobrang init na mamaya.

Pinasok ko ang mga baril at dinala pababa. Kanino ko ba iiwanan 'to? Lumapit ako sa mga naka jersey at binigay iyon kay Captain.

Long time no see huh?

"Take care of this." Kinuha niya naman ang plastic. Binaling ko ang paningin sa mga lalaking nasa mini stage.

"Umalis kayong lahat sa ground!" Nagtataka ma'y mabilis na umalis ang mga estudyante, professors lahat sila. Nagtipon-tipon sila sa isang gilid.

"Bobo ka talaga ano? Sa tingin mo ako lang lalaban sa'yo?" Alam ko namang hindi lang ikaw ang lalaban saakin. "Palibutan n'yo yan!" Excited amputa! Walang binatbat saakin yang malalaking katawan n'yo kung hindi rin lang naman kayo marunong lumaban. "Alam mo? Gusto ko na agad 'tong tapusin... Kaya naman, sugudin n'yo na!" Walang problema ibibigay ko ang labang gusto mo!

Unang nakalapit saakin ang lalaking may tattoo sa mukha. Hinawakan ko ang kanang kamay nito at pinilipit iyon papuntang likod niya. Narinig ko ang daing nito. Tinulak ko ito ng mahina at malakas na sinipa sa likod na s'yang ikinadapa niya. Nauna ang mukha nito.

Sakit!

Madaya nga eh! Naka bulletproof vest pa sila kaya naman hindi nila masyadong mararamdaman ang lakas ng mga suntok ko.

May yumakap sa akin mula sa likod at nakakulong ang dalawa kong braso. Ano akala niya hindi na ako makakagalaw? Buong pwersa akong yumuko at inabot ang isa niyang paa. Dinala ko ang paa niya pataas kaya sabay kaming natumba. Kaso nakahanda na ang siko ko at tumama iyon sa leeg niya.

Sa lakas no'n alam kong patay na ang lalaki. Bali ang leeg at nasakto ko pa sa adams apple niya.

"Mga tonta!! Sabay-sabay na kayong sumugod!" Mautak din talaga ang kumag! Sa sobrang dami nila... Alam kong hihingalin at matatagalan ako. Saka dalawang tao pa lang ang napuruhan ko! Hindi lang pala napuruhan ang isa, diretso na agad 'yon sa impyerno.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now