CHAPTER 40

125 3 1
                                    

Citadel's POV

Mula sa kinatatayuan namin, nakikita ko na ang naglalakihang gusali. Dito na namin makakaharap ang mas maraming kalaban. Naglakad kami at ang una naming narating ay isang hospital. Pinili kong pumasok sa backdoor. Pinilit ko pa buksan ang pinto dahil may humaharang sa likod nito. Narinig ko ang pagkatumba ng ilang kahon sa loob. Sumilip muna ako bago pumasok. Sinenyasan ko na rin ang lima na pumasok.

Tanging sirang ilaw ang bumungad saamin. Wire na lang ang pumipigil sa isang ilaw para mahulog ito. Ngunit gayunpaman, umiilaw pa rin ito kahit dim na lang. Napatigil ako sa paglalakad sa hallway ng may makita akong anino na bigla ring nawala. Tinaas ko rin ang kaliwang kamay na naka close fist na ang ibig sabihin ay stop or halt.

Binaba muna nila Shane ang mga survivor at hinawakan ang baril. The shadow is small... It means it's a child? Naibaba ko ang baril ng may lumabas na kulay puting tela. White means peace. Tinanggal ko ang baril na nakasabit sa leeg ko at binaba iyon.

"Commander... Don't do it." Hinawakan ni Shane ang kanang braso ko.

"Agent Shane it's our rules." Hinila ko ang brasong hawak ni Shane. Kapag may nagtaas o nagwagayway ng puting tela, kailangan naming 'yong lapitan. It's means peace, and someone wants to talk to us. Nakataas ang dalawang kamay ko habang lumalapit sa puting tela. Hindi ko inaasahang bata talaga ang makikita ko. Isang lalaking bata na may hawak ng stick. Siya ang nagwawagayway ng puting tela.

Sinenyasan ko ng lumapit sila Shane. Lumapit ako sa bata at kinuha ang hawak na stick. "Who taught you that?" May tinuro naman siya sa parteng kanan ng hallway. Madilim doon at talaga namang wala kang makikita.

"Commander your gun." Binato saakin ni Adi ang baril. Sinabit ko ito ulit sa leeg ko at hinarap muli ang bata. Nagulat ako ng tumakbo ang bata. Mabilis akong tumayo at sinundan siya. Kahit madilim ay wala pa ring s'yang tigil sa pagtakbo hanggang makarating kami sa parte ng ospital na grabe ang sira. Nagkalat ang wheel chairs, tipak ng bato, dingding ng ospital, mga gamot, at kung anu-ano pa.

May tinuro ang bata. Isa itong pintuan na nahaharangan ng malaking tipak ng semento. Lumapit ako roon. Hindi ko makikita nag nasa loob dahil sa malaking tipak ng semento ang nakaharang. "You five help me first." Binaba muna nila ang survivors at tinulungan akong itulak ang nakaharang. Inabot siguro kami ng sampung minuto bago maalis ang nakaharang. Well nagtraining kami nito. May tinutulak kaming malaking bato sa training. Pero inabot pa rin kami ng ilang minuto diba? Dahil 'yon sa malaki talaga ang bato at kailangan din naming magpahinga at huminga ng kaunti.

"Daddy! Mommy! Open the door! Open the door!!" Sumigaw ang bata dahilan para bumukas ang pinto. Sumalubong saamin ang babae't lalaki na humahangos. Niyakap nila ang bata at nag-iyakan. Pumasok ako at nakitang marami pa ang tao sa loob. May mga duguan, may mga nurse at doctor din.
"Thank God you're safe!" Pumasok na rin sila Shane at doon nilapag ang dala naming survivors.

"Adi magbantay ka. Use your sniper." Hindi pwedeng nandito kaming lahat. Tumango ito at iniwan kami.

"Who are you?" Lumapit saakin ang ama ng bata. Napaatras pa ako ng malaking dibdib niya ang sumalubong saakin. Kahit matangkad na ako may hihigit pa rin talaga.

"I am Commander Citadel Lopez, and they are my team." Dahil sa sinabi ko lumapit saamin ang mga nakakatayo pa. Kasama na ro'n ang mga doctor at nurses.

"Commander it means you're a navy?" Putangin! Mapapalaban tayo ngayon sa english. Nagtanong saakin ang babaeng nurse.

"I'm actually a Colonel. They just calling me Commander." Mauubusan ako ng english word dito.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now