CHAPTER 9

92 3 0
                                    

Citadel's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. I get up but I suddenly stilled when I felt a pain in my right arm. Nakaramdam ba talaga ako ng sakit? Ginalaw ko ang kanang kamay ko at bumagsak ang balikat ko ng wala man lang akong maramdaman. I check my phone to see what is the noise about. It was a message about the meeting that students need to attend.

Bumaba na ako para magluto. Alas-otso na kasi at kailangang 9:30 ay nasa university na. Natigilan ako ng may nakita akong pagkain sa gitna ng mesa at may note pa. 'Good morning may apo. Pasensya na kung pumasok ako sa bahay mo ng walang paalam. Pinagluto kita, at sorry na rin sa mga nasabi ko sa'yo kagabi. Nagmamahal ang iyong magandang lola. Lola Eden.'

Para rin siyang si lola Precina. She have an access to go inside my house. She just need to scan her eyes at the scanner beside the door. Kumain ako at bumalik sa taas para magpalit. Hindi na nilagyan ng cast ang braso ko dahil alam naman ni Doc. Eden na tatanggalin ko rin ito.

Pinili ko ang white loongsleeve at black pantalon. Kinuha ko ang susi ng sasakyan sa study table at ang bag sa tabi nito. Ni-lock ko ang pinto at sinigurado kong secured lahat.

..............

Nasa loob pa rin ako ng sasakyan at pinagmamasdan ang gate ng university. Bakit ang daming pulis? May nakapasok bang criminal sa loob. Gayunpaman, bumaba pa rin ako. Nagtinginan ang mga pulis saakin na para bang ako yung hinahanap nilang criminal. Hindi ko sila pinansin at dumiretso na lang ng lakad.

Tulad ng dati nasa ground ang meeting dahil kasali ang high school, senior high school at college sa meeting. Mukhang ako ang huling dumating dahil nakuha ko ang atensyon nila. Syempre makukuha ko ang atensyon nila dahil pagpasok pa lang sa gate ground agad ang bubungad.

"E-ehemm." Kuha ng Headmaster sa atensyon ng lahat. "This meeting is all about later. We have a visitor at exactly 1:00 o'clock in the afternoon. Please respect them, they are very important people. That's why police are scattered everywhere. Please, please cooperate. Thank you and good morning." Totoo nga ang sabi ni Jayson, mukha nga siyang patatas na bungisngis. Ahh! I want some peace of mind.

Naglalakad ako ng marami akong narinig na bulungan.

"Bes, alam mo bang pupunta raw dito yung rival natin pagdating sa basketball?" Marites no. 1

"Ohh! Talaga? Saan mo naman nasagap yan?" Marites no. 2. Di ko na narinig ang usapan nila ng may nabunggo ako. Palagi na lang ba? Shit naman oh! Gusto ko na ng pahinga at baka masigawan ko pa ang bumunggo saakin.

Tiningnan ko kung sino ang nabunggo ko at kumunot ang noo ko ng makilala ko siya. Siya yung natapunan ko ng juice. Marami pa siyang kasama, mga kaibigan niya siguro.

"H-hi miss?" Utal na bati niya saakin. Para di magmukhang masungit dalawang kilay ang tinaas ko na parang kumunot lang ang noo ko. "A-amm gusto ko lang isauli tong hoodie mo." Sabay abot saaking nung hoodie na ibinagay ko sa kaniya.

"Sa'yo na yan." Napayuko ito na parang nahihiya.

Umangat ang ulo nito at nagsalita. "Nakakahiya po, ang mahal ng hoodie na to." Paano niya nalaman?

"Kukunin mo o ibibigay ko diyan sa katabi mo?" Tingin ko sa katabi niyang lalaki. Pero ang galawan parang si Jayson.

"Ayy! Akin nga to. Oo! Akin to!" Napailag ako ng lumakas ang boses niya at may kasama pang tango. Crazy tsss.

At dahil 10:30 pa lang naman, lalabas muna ako ng university. Naupo ako sa driver seat at tiningnan ang phone ko dahil tumunog ito.

"Hello Ace, nasa iskwater area siya nakatira. Sa may Pasig area." Siya ang secretary ko sa kompanya.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now