CHAPTER 41

122 6 0
                                    

Citadel's POV

Rinig na rinig ko ang tunog ng isang tangke. Lalo na ang pagkadurog ng mga dinadaanan nito. Mga semento at kung anu-ano pa. "Hide now!" Kahit sumigaw ako, hindi naman maririnig ng kalaban dahil sa lakas ng tunog ng tangke. Napahiwalay ako sa lima. Nasa kanan sila at ako naman nakatago sa kaliwang bahagi. Nandito ako ngayon sa loob ng isang shop ng mga baril. Sakto!

"Roger... Are you ready? If all of you say yes... Malalaman na nilang may nakapasok at oras-oras may darating para kalabanin tayo." Totoo 'yon. Kapag nagsimula na kami ngayon malalaman na nilang may nakapasok at kinakalaban sila.

"Roger... Commander we are ready."

"Okay. Wait for my signal." Nagtago ako sa ilalim ng isang mesa at sinilip ang paparating na tangke. Kagaya ko nakadapa sila Shane at nakasilip din. Isang green na tank ang umaandar ng mabagal. Sa gilid naman nito naglalakad ang napakaraming lalaki na may mga hawak na baril. "Adi, go to the second floor. Mag-ingat ka, baka makita kang gumagalaw."

"Roger."

Naghintay pa ako ng kaunting segundo para makalapit na talaga ng tuluyan saamin ang tangke. "Adi, saktohin mong makakapasok sa tangke ang bomba." Narinig ko pa ang roger niya. May lalaking nakalabas ang ulo sa tangke dahilan para makahanap kami ng paraan para maipasok sa loob ang bomba ng hindi na ito magamit pa ng kalaban.

"Boomm!!" Napakapit ako sa paa ng mesa dahil sa lakas ng pagyanig. Nabaliktad ang tangke at meron pa itong nadaganan na ilang lalaki. "Now!" Lumabas ako at pinaputukan ang mga armadong lalaki. "Bang! Bang! Bang! Bang!" Lahat pinapatamaan ko sa leeg para wala na talagang buhayan. Nakasuot kasi sila ng bulletproof vest kagaya namin. Kaya wala ring saysay kung sa katawan sila patatamaan. "Shit! Shit!" Napabalik ako sa loob ng shop ng tapunan ng bomba ng isang lalaki ang pwesto ko kanina. May tumalsik sa mukha ko na isang maliit na bubog. Napahawak ako sa parteng 'yon.

"Damn it! My face!" May naiwang dugo sa palad ko matapos ko itong ipunas sa pisngi.

"Commander are you okay?!"

"I'm okay Cherry!" Binaba ko ulit ang walkie talkie at lumabas muli ng shop. I pull the trigger pero hindi na gumana ang baril ko. Damn it! Ano bang kamalasan 'to? Binunot ko ang kutsilyo sa vest at harap-harapang ginilitan ang mga lalaki. Wala akong pakialam sa kanila. Hinila ko ang isang lalaki at ginawang shield matapos makitang may nakatutok saaking baril. Kailangan ko pang bigyan ng mas malakas na pwersa ang paghawak ko sa lalaki dahil sa lakas ng bala. Sumilip ako at nakita kong nakatumba na ang lalaki. Binitawan ko ang ginawa kong shield at gumulong sa pwesto ni Victoria.

Kukuha na sana ako ng magazine sa vest ngunit wala na akong nakuha. Damn it! Pati ba naman extra na bala wala na ako? Fuck! Kamalasan nga naman! May nakita akong dalawang mahabang baril sa unahan ngunit may problema... Malapit ito sa mga lalaki. Kapag nagsimula nga naman ang kamalasan sunod-sunod na!

"Victoria and Adi cover me!!" sumigaw ako kahit malapit na sa bibig ko ang walkie talkie. Tumayo ako at mabilis na tumakbo papuntang harapan. Kinuha ko ang baril at pinagbabaril ang mga lalaki. Hingal kong naibaba ang baril ng maubos ang kalaban. Ngunit sa isang daanan may nakita akong tumatakas.

Duwag?

"Shoot him Adi." isang putok ng baril ang narinig namin. Kitang-kita ko ang pagbagsak ng lalaki. Nauna pa ang tuhod nito sa pagbagsak. Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Unti-unti ng sinasakop ng mga dugo nila ang daanan. Ilan pa ba ang kailangan naming patayin? Hindi ko inaasahang may makikilala ako sa mga lalaki. Lumapit ako rito para kumpirmahin kung kilala ko ba talaga siya.

Him?! A high profile sindicate? Two years ago when a news was aired and it's all about him. Akala ko ba patay na siya? Ayon sa report ng American police nanlaban daw umano ang lalaki kaya napatay nila. Kung patay na siya noon pa, bakit andito siya ngayon at naliligo sa sariling dugo?

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now