CHAPTER 17

104 4 1
                                    

Bettany's POV

Kanina pa ako nagtatanong kung nakita ba nila yung black na highlighter. Yun pala hawak na ito ni Citadel at ginuguhitan sa mukha si Jayson na tulog. Binalik niya ang takip ng highlighter at tumuwid ng tayo.
Hindi man lang ba siya nagulat na may nakakita ng ginawa niya? Iba talaga!

Binato niya saakin ang highlighter na nasalo ko naman agad. Parang walang nangyari na bumalik siya sa upuan niya. Tinitigan niya si Jayson na para bang hinihintay niya itong magising.

Maya maya pa gumalaw ito at nagtanong saamin. "Guyss di pa ba recess?" Walang sumagot sa kaniya. Taginang mukha yan, mukhang pusa na may mga polka dots! Ahhahaha!

"Hahahahaha! Tangina! Hahahaah!" Tawa ko habang nakaturo pa sa kaniya. Hindi lang naman ako tumawa ehhh lahat kami maliban kay Citadel.

"Anong nakakatawa?" Takang tanong nito saakin. Mas lalong kumunot ang noo nito. Hahahaha di ko na kaya, masakit na ang tiyan ko. "Ano ba!" Galit nitong sigaw. Tumigil ka na Bettany bago ka pa masigawan at mabatukan niyan.

"Ahhaaha wala naman pres, naglalaro kasi kami kaya nakakatawa." Tumango naman si Jayson, naniwala agad siya? Boba talaga!

"5 minutes na lang before recess, maghanda na kayo. Susugod tayo sa cafeteria." Utos nito saamin habang nakatingin sa relo niya. Hala! Maghanda? Ehh bago siya pumunta ng cafeteria tinitingnan niya muna ang sarili sa salamin ng room.

Pumunta ito sa harap ng salamin, lumaki ang mga mata nito, pati ang ilong, at yung bibig niya dahan dahang bumubuka. Hala! Nakakatakot siya kamukha niya si kamatayan! Yung bang may dalang kawit? Kamatayan ba yun?

"Ahhhhhhhhh!" Sigaw nito habang nakaturo sa salamin. "Sino ka!" Luh? Sinigawan ba naman ang sarili. "Ba't mo ko g-ginagaya!?" Boang! Hahahaha

"Hoy! Bakla ikaw yan!" Di ko na mapigilang sumigaw. Para na kasi siyang tanga. Kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko. Binalik niya ang tingin sa salamin gumalaw galaw pa.

"S-sinong gumawa nito s-saakin!?" Sigaw niya habang nakatingin saamin ng masama. "Sabi nang sino ehhh!" Mas malakas ang sigaw niya ngayon. Wala kaming nagawa kundi ituro si Citadel. Wala pa rin itong emosyon, manika ba siya?

"I-ikaw bakit mo ginawa yun!?" Turo ni Jayson sa kaniya. Ngunit mas mahina ang sigaw niya ngayon kaysa kanina? Heehe bibilib ako sa kaniya kapag nasigawan niya si Citadel.

Umayos ng upo si Citadel at nagsalita. "Anong sinabi ni prof kanina bago siya umalis?" Another question? Napaisip naman si Jayson sa tanong niya, pati nga ako ehhh.

"N-na wala ng magtuturo ngayong umaga?" Sagot nito. Umiling naman si Citadel.

"Ano pa?" Tanong ulit nito. Lumiit ang mata ni Jayson animoy nag-iisip.

"Na gawin natin ang gusto nating gawin." Na pa smirk naman si Cita. Cita na nga lang tawag ko sa kaniya, napapagod ako ehh!

"Bingo!" Ani nito, habang pinorma pa na parang baril ang kanang kamay. Ha? Anong bingo?

"Anong bingo?" Takang tanong ni bakla.

"I just followed prof. Do what you want she said. So I do what I want." Sagot nito bago lumabas. Pero....

"Haahhaahha masunurin siyang estudyante bakla, wala ka ng magagawa ahhahaha!" Walang lusot si bakla sa sagot na iyon. Tangina ang galing!

Walang nagawa si bakla. Naiinis siyang naglakad papuntang comfort room. Haysss!
Kailan ko kaya makikita ang ngiti niya.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now