CHAPTER 4

108 3 0
                                    

Citadel's POV

Didiretso na sana ako ng bahay nang maalala ko na wala pa pala akong gamit na binibili. Kailangan ko ng mga gamit para sa architecture at pagkain ko na rin sa bahay.

Tumigil ako sa isang mall na nadadaanan ko papuntang university at pauwi ng bahay ko. Pinarada ko ang sasakyan sa parking lot at bumaba. Inalis ko ang cap at mask na ginamit ko kanina dahil alam kong marami na ang nagpost at nakapanood ng nangyari kanina sa social media. Nakapasok agad ako ng mall dahil sarili ko lang naman ang dala ko.

Una akong pumasok sa National Bookstore. Kumuha ako ng tracing paper, scale ruler, mechanical pencil, cutting mat, sketchbook at iba pa. Matapos kung magbayad pumunta naman ako sa Supermarket ng mall.

Dala ang isang basket, una kong pinuntahan ang meat section. Sunod ang ang mga chips. Kumuha ako ng limang malaking chippy. Paborito ko kasi ang chippy. Tsineck ko kung nakuha ko na ba ang lahat. Pumila ako sa may counter at nagbayad.

Dala dala lahat ng binili ko, naglakad ako at nadaanan ko ang mag-asawa at may dalawang anak. Umiiyak ang isang anak nila at gustong gusto maglaro, ngayon ko lang nahalata na nasa harap pala sila ng isang palaruan para sa mga bata.

Pinagmasdan ko lang sila at walang pakialam sa dumadaan sa likod ko. Lumuhod ang ama nito at pinunasan ang luha ng anak.

"Anak pumasok lang tayo dito para magtingin tingin. Wala kaming pera ng nanay niyo. Nawalan ako ng trabaho, hindi rin sapat ang kinikita ng nanay niyo. Alam kong alam niyo yun." Parang iiyak na sabi ng padre de pamilya. Parang tinusok ang puso ko at gusto ko na yatang pabagsakin ang gobyerno. Ginagawa ba talaga nila ang mga trabaho nila?

Natahimik ang anak nito at walang nagawa kundi tumango. Naglakad ako ng mabilis at sumakay ng elevator pababa. Pumunta ako sa parking lot ng mall at tumungo sa sasakyan. Mabilis ko itong binuksan at inilagay ang pinamili ko.

Sinarado ko ulit ang sasakyan ko at tumakbo pabalik ng mall. Bumalik ako doon sa palaruan at hinanap ang pamilyang nakita ko kanina. Bumagsak ang balikat ko ng hindi ko na sila nakita. Nanlulumong bumaba ulit ako ng mall para umuwi na.

Lalabas na sana ako ng mall ng mahagip ko ang hinahanap ko. Nasa labas sila ng kainan. Ang Mcdo. Tinitingnan ng anak nila ang mga kumakain sa loob habang hinihimas ang tiyan. Siya yung batang umiiyak kanina. Tiningnan ko ang relong nasa bisig ko at nakita kong alas-3 na ng hapon. Tamang tama para sa snack.

Naglakad ako papunta sa kanila.

"Ate pasok na po tayo." Nagulat ito at tiningnan ako ng may pagtataka. Mukhang pitong taon lang ang tanda nito saakin.

Bakas sa mukha ang pagkalito nito ngunit nagsalita rin. " A'a-hh wala kaming pera, kaya hindi kami pwedeng makapasok diyan dahil wala kaming pambili." Nahihiyang sabi nito.

Tinanguan ko ito at hinawakan ang balikat nito at dahan dahang tinulak papasok sa Mcdo. "Huwag po kayong mag-alala, ako na po ang bahala." Nahihiya nitong tinanggal ang kamay kong nasa balikat niya at tiningnan ako bago magsalita.

"Pero nakakahiya naman sa'yo." Ani nito. Di ko pinansin ang sinabi niya at lumuhod para mapantayan ang kaninang umiiyak niyang anak. "Pero, gutom ka na diba?" Tinanguan lang ako nito. Tumayo ako at tiningnan ang ina nito para pumayag. Tiningnan ko rin ang padre de pamilya na karga ang isa pang anak.

Napangiti na lang ako sa isip ko ng pumayag ang mag-asawa. Hinawakan ko ang isang kamay ng bata at hinila papasok sa kainan.

Naghanap ako ng lamesa na bakante na may limang upuan. Nang makahanap ako pinaupo ko sila doon at tumuloy ako sa counter para mag-order. Nag-order ako ng 3 bundle. May laman iyon ng Mcspaghetti, nuggets, chicken, bale walong drinks at  fries. Nagbayad ako at pumunta na doon sa table.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now