CHAPTER 26

91 4 0
                                    

Citadel's POV

Binuksan ko ang pintuan sa likod ng mansion. Tatlong daanan ang bumungad saamin. Sinenyasan ko si Victoria na dumaan sa left way at sa right way naman si Cherry. Naiwan akong mag-isa rito. Storage room ang napasukan namin. Maraming nakakalat na kahon sa paligid at patong patong pa ang mga ito.

Nilapitan ko ang mga ito at nakita kong naka sealed ang lahat. Kinuha ko ang knife sa bulletproof vest ko upang buksan ang isang kahon. Bumungad saakin ang pake-paketeng drugs. Droga... Don't tell me isa sila sa distributor ng droga sa bansa?

"Pre! Kumusta yung bihag natin?" Napatago ako sa likod ng kahon ng may marinig akong boses. Sinilip ko sila at nakita ko ang tatlong lalaki na may dalang tatlong kahon. May pagawaan din sila ng droga rito?

"Ayun! Bugbog sarado kay boss!" Sagot ng isa habang pinatong ang dalang kahon sa hindi katangkarang kahon sa gilid ko.

"Hindi pa kasi umaamin ehhh!" Umaamin? Ano namang aaminin ni lolo? Fuck! Papunta ang isa sa pwesto mismo ng pinagtataguan ko. Hinila ko ito bago ginilitan sa leeg. One down... Hinila ko ito upang itago.

"Pre! Ba't ang tagal mo!" Tsk! Naglalakbay na papuntang impyerno! Pinunas ko muna sa kahon ang kutsilyong hawak ko bago binalik sa vest. Kinuha ko ang baril na may nakalagay ng silencer bago dahan dahang lumabas sa pinagtataguan. Wala ako sa mood para makipag bugbuga!

Nakatalikod ang dalawa saakin kaya tinutok ko agad ang baril sa kanila. Headshot! Bago pa may makakita saakin nilapitan ko agad ang dalawang bangkay at hinila ito papunta sa isa pa nilang kasamahan. Kinuha ko rin ang isang damit na nasa ibabaw ng isang kahon at pinunasan ang dumanak na dugo.

"Adrianna, what's the situation outside?"

"Walang pang nangyayari Ace. Naubos na rin ng dalawa ang mga bantay sa labas." Good! Hawak ang baril dahan dahan akong naglakad. Kung ako ang kumidnap saan ko itatago? Basement? Posible, yung video ng kidnapper na pinadala saamin ay walang bintana ang kwarto. Tanging ang ilaw lang ang nagbibigay liwanag.

"Ace! Nasa loob na ako ng control room!"

"Fuck! Victoria your voice!" Mabibingi ako sa isip batang 'to!

"Sorry Ace... By the way nasa basement ang target. Diretsuhin mo lang yang dinadaanan mo at lumiko ka ng kanan. Ang unang pintong makikita mo ang papuntang basement. Marami ang bantay Ace. Be careful." Sabi na ehhh! Protektado talaga nila ang President.

Gaya ng sinabi ni Victoria binuksan ko ang unang pintuang unang nakita ko. May hagdan pababa kaya naman dahan dahan akong bumaba. Naka combat boots pa naman ako! Medyo dim lang ang ilaw kaya naman hindi ako basta bastang makikita. Fuck! Ang daming daanan!

"Victoria which way?"

"Oh, just follow me Ace." Kumanan ako saka dumiretso. "Malapit ka na Ace. Dalawang liko na lang sa kanan." Akala ko ba maraming bantay? Ba't wala man lang akong makita? Don't tell me nasa loob mismo ng pinagtataguan sa presidente ang mga bantay. Fuck it!

Isang desisyon lang ang pagpipilian ko ngayon. Ang pindutin namin ang alarm button. "Adrianna... Ready your sniper."

"Shane and Lesley ready your strength."

"Cherry ready your gun."

"And Victoria push the alarm button after 20 seconds."

"Got it Commander!" Walang ibang choicr kundi ang pindutin iyon. Yun lang ang paraan para maalarma sila. 

Tumunog ang alarm at nakita ko kung paano naging kulay pula ang mga ilaw na nakadikit sa pader. Dumikit ako sa pader ng lumabas ang mga armadong lalaki sa kwartong yun. Fuck! Sobrang dami nga nila!

HER, Being A BillionaireHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin