CHAPTER 18

97 2 0
                                    

Citadel's POV

Tatayo na sana ako para hanapin ang bomba ng bigla ulit tumili ang mga estudyante. Bakit? Tiningnan ko kung saan sila nakatingin dumating na pala ang mga maglalaro kaya naman pala 'di nila mapirmi ang mga pwet nila.

Wala akong panahon sa kanila. Kailangan ko ng makaalis. Tutuloy ko na sana ang naudlot kong pagtayo ng dumating naman si prof Anjellie. Fuck!

"Walang aalis sa mga pwesto niyo. Kaya nga pinakain na kayo ng lunch." Tangina talaga! What to do? Nag vibrate ulit ang phone ko kaya mabilis kong tiningnan kung ano yun.

"Agent Ace! Please evacuate now! You only have 20 minutes left to leave that court! So leave now!"

20 minutes? Fuck I can't leave them. Ano bang pwedeng irason kay prof?

Prof can I leave?

Prof, bitin yung lunch pwedeng lumabas?

Umayos ka nga Citadel! Mag-isip ka naman ng magandang paraan! Shit! Dalawang minuto na ang sinayang mo sa kakaisip ng rason. 18 minutes na lang ang meron ako what to do?!

Wala na akong pakialam kung mapagalitan ako sa gagawin ko. Mabilis akong tumayo at tumakbo pababa narinig ko pang tinawag ako ni prof. Wala akong pakialam, kailangan kong gawin 'to.

Lumabas ako ng entrance, at tiningnan ang lahat ng pwedeng pagtaguan ng bomba. Inisa isa ko pati mga halaman sa hallway. Tinangka ko ring buksan ang mga pinto ngunit na ka lock lahat ng ito. Fuck! Asan ang bomba? Tiningnan ko ang si net kong timer sa phone ko. Tangina! 10 minutes na lang! Ganon na ako katagal naghahanap?

Kailangan mong mag-isip Cita. Isipin mo, kung ikaw ang bomber saan mo ilalagay ang bomba? Saka ko lang na realize na ilalagay ng bomber ang bomba kung saan maraming mabibiktima. Fuck! May clue na nga doon sa message ni General So ehh. Tangina sa court!

Mabilis akong tumakbo pabalik ng court. Rinig na rinig ang ingay sa loob. Pumasok ako ng entrance kaya napatingin saakin lahat.

Para kasing ako yung biglang pumasok ng simbahan at tututol sa bride and groom.

Parang itigil ang kasal!!

Wala akong pakialam! Mabilis akong tumakbo papunta sa mga upuan. Sinilip ko ang ilalim ng mga ito. Inisa isa ko pa ngunit wala akong nakita. Humingi na rin ako ng tulong sa kanila ngunit wala raw silang nakita. Pagod akong naupo sa daanan. Tiningnan ako ng lahat na para bang tumakas ako sa mental hospital. Pati pala yung naglalaro ay napatigil at napatingin saakin.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong court hanggang huminto ang paningin ko sa basketball hoop yun bang may ring. Hanggang sa bumaba ang paningin ko at doon ko nakita ang bag na nakasiksik sa ilalim. Bingo! Tumayo ako at mabilis na pumunta roon. Kinuha ko ang bag at mabilis na binuksan ito.

Fuck! What kind of bomb is this? Napakaraming wires naman nito? Sa tagal kong naging agent ngayon lang ako naka encounter ng ganito. Ang pagkakapareho lang sa iba ay meron itong timer. 3 minutes na lang anong gagawin ko? Hindi ako pwedeng pumutol ng isang wire baka sumabog kaming lahat dito.

Tumayo ako habang hawak ko ang bomba. Tumingin ako sa kanilang lahat. Kita ko ang takot sa mga mata nila.

"Where's the rooftop?" Tanong ko sa basketball player na taga Marquez University. Malapit lang kasi siya saakin.

"P-Pagkalabas mo lumiko ka sa kanan at dumiretso ka u-uli. Doon mo na makikita ang building na may rooftop." Pagkatapos nitong magsalita, walang alinlangang tumalikod ako at mabilis na tumakbo.

Ano bang role ko dito?

Palagi na lang ba akong magliligtas at sarili ko ang ipapahamak?

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now