CHAPTER 27

91 4 0
                                    

"C-Citadel?" Ba't nagtataka ang mukha nila? May nangyari ba?

"Oo ako nga!"

"A-Akala namin patay ka na." Mukha ba akong patay na Lesley?

"Mukha ba akong patay?" Iniwan nila ang lalaki at tumakbo papunta saakin. Dinamba nila ako ng yakap at narinig ko pa ang pagsinghot ni Victoria. Umiiyak siya?

"Uhhuhuhu akala ni Victoria patay ka na huhuuh." Umiiyak na nga siya. Parang bata... Bata pa naman talaga kami.

"A-Alam mo bang hinahanap ka namin! Lagpas isang taon kang nawala! Ang daya mo! Ang daya daya mo!" Pinagpapalo ni Cherry ang dibdib ko. Minsan lang siyang umiyak ng ganito. Wala akong nagawa kundi yakapin siya.

"S-Sorry kung nawala ako. Comatose ako ng isang taon at tatlong buwan." Pag-amin ko sa kanila.

"Sinabi lang sa'min ng magulang namin ang nangyari sa'yo sa party. P-Pasensya na kung wala kami para ipagtanggol ka."

"Okay lang Adrianna ang mahalaga buhay at nakakaalala ako." Niyakap ko sila isa-isa.

"General So pwede po bang hindi muna kami mag-practice? Na-miss po namin ang bestfriend namin!" Sabay akbay saakin ni Shane. Tumango naman ang lalaki kaya masayang hinatak ako ng mga ito.

Dinala nila ako sa isang tree house. At doon kami nagusap-usap ng kung anu-ano. Sinabi rin nila saakin na wala raw sila sa birthday ko noon dahil training day daw nila yun. Sinabi rin nila ang kaisa-isa nilang sikreto. Nag t-training daw sila para maging agents at yung lalaking kasama nila ang boss nila.

"P-Pwede rin bang maging agent ako?" Nagulat sila sa sinabi ko.

"O-Oo naman! P-Pero sigurado ka ba?"

"Oo naman!" Sila na raw ang bahalang magpaalam kay General So. Ang sarap nilang maging kaibigan.

"Don't tell them that I'm alive... Also to your parents don't tell them please..." Magiging peligro ang buhay ko kapag nalaman nilang buhay pa ako.

"Oo naman! Alam na namin yan no!"

Mula noon palagi ko na silang kasama. Ilang araw ding hirap ako matulog. Sobrang hirap ng training na halos katawan ko na ang sumuko pero lagi kong iniisip na kailangan kulong matuto. Pero kapag kasama ko silang lima nababawasan ang hinanakit at sakit na nararamdaman ko. Palagi nila akong sinusuportahan. Sila ang naging sandalan at tahanan ko.

Isang taon din ang inabot bago ako natanggap na agent. Hindi ko nga inaasahang ako pa ang magiging Commander ng lima. Kinausap ko pa nga no'n si General So na si Shane na lang pero tumanggi siya. Hindi naman nagalit saakin ang lima at masaya pa sila para saakin.

Mag t-thirteen ako ng umalis ako ng walang paalam sa grupo. Naki-usap kasi si lola Precina na mag-aral ako ng pagdodoktor. Malaki ang utang na loob ko sa kan'ya kaya naman sinunod ko siya. Kahit thirteen pa lang ako nakapasa agad ako sa entrance exam. Pinaghahalikan pa nga ako sa mukha noon ni lola. Sobrang saya niya hanggang dumating ang hindi inaasahan. Na diagnose ako na meron akong analgesia at ang araw ding umiyak ako ng umiyak.

Lola died when I was 15. I was devasdated back then. Naging suki ako noon ng gulo, nakikipag-away ako sa kalye at kung saan-saan pa. Pero ang hindi ko pinabayaan noon ang pag-aaral ko. Iyon na lang ang hiling ni lola na kailangan kong tuparin.

Shane's POV

"Hay salamat! Makakapagpahinga na rin!" Umuunat unat pang sigaw ni Victoria.

"Oo nga! Ang sarap humiga sa kama!" Na sinundan ni Lesley. Pero oo nga naman ang sarap ng magpahinga.

"Tara punta na tayo sa headquarters! Ang sarap magpahinga diba Ace? A-Ace?" Ba't nautal 'tong si Shane? Speaking of Ace nasa'n na yun.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now