EPILOGUE

147 8 5
                                    

Jon Alexis POV

"Mom! Huwag ka ng mag-aala! We're just managing some important matters! Uuwi rin naman ako!" mula kanina nakailang tawag na saakin si mommy. Isang buwan na kasi akong natutulog sa bahay ni Citadel. Magmula pa noong dinelete namin ang mga cases noong mga kinulong niya.

"But I miss you!"

"Mom! Uuwi rin ako. May inaasikaso lang talaga kaming importanteng bagay!" makulit na talaga kasi si mommy. Siguro sa isang araw nakakalimampu siyang tawag.

"Okay." pagkatapos niyang sabihin 'yun ay pinatayan niya ako ng tawag. Ramdam ko ang lungkot na boses niya. Sasaya rin naman siya kapag natapos na kami sa ginagawa namin.

"You're mom?" 'di ko namalayang nakalapit na pala saakin si Citadel.

"Mmm. Ang kulit!" nginitian ako nito. 'Yung totoong ngiti na tanging ako pa lang ang nakakakita. At masaya ako dahil... Dahil masaya siya saakin. 'Yun pa lang parang hihimatayin na ako.

"Ikaw ba naman hindi umuwi 'yung anak ng isang buwan."

"Sasaya rin naman 'yun tingnan mo." umingos lang ito sabay lapit sa isang babaeng nag-aayos. Ngayon na namin planong ibalik sa kaniya-kaniyang pamilya ang mga taong nakakulong. Pinapasundo na rin ng wifey ko ang pamilya nila. Samantalang andito na ang mga preso. Actually kahapon pa. Sadyang bantay sarado lang sila. For safety na rin.

Lumapit ulit saakin si wifey. "Alas-kwatro na. Papuntahin muna ang pamilya mo rito."

"Mmm." I'm inlove. Lumapit pa ako sa kan'ya sabay yakap. Hindi ito tumutol na siyang kinasaya ko lalo. Sa loob ng isang buwan nakuha ko lahat ng kiliti niya sa katawan. "I love you." hinalikan ko ito sa noo sabay bitaw sa yakap. Tumingkayad naman ito at hinalikan ang pisngi ko.

"Magbihis ka na." umalis ito. Pumasok siya sa mamahaling hotel na nirentahan niya buong week. Nahilo nga ako sa babayaran niyang bill eh. Palibhasa kayang-kaya niya namang bayaran. Pinagmasdan ko ang buong paligid... Maglilinis na lang ng kalat at tapos na ang paghahanda namin. Excited na akong makasama si papa sa bahay. Magiging masigla ulit kami lalong-lalo na ang mga kapatid ko.

Sumunod ako at pumasok na rin ako sa hotel. Magkatabi lang naman ang room namin. I swipe my key card. Pumasok ako at sinara ang pinto. Bago ako lumabas ng room kanina ay nilagay ko na sa kama ang damit na susuotin ko.

White t-shirt na papatungan ko lang ng maong na jacket. Sa pambaba naman ay jeans at white shoes. Hindi naman formal occasion ang magaganap kaya hindi ko kailangang magsuot ng tux.

Pagkatapos magbihis lumapit ako sa salamin at sinimulang ayusin ang buhok. Naglagay pa ako ng gel para naman hindi agad gugulo ang buhok ko sa konting hangin. Pagkatapos nagspray na ako ng pabango. Mula ulo hanggang baba.

Binuksan ko ang pinto at nagulat pa ng nasa pinto na pala siya. Nakacross arms at cross legs. Mas lalaki pa siya kong pumorma saakin! Nakawhite hoodie na naman siya at sa pambaba naman ay parehas ng saakin. Para kaming couple... Couple naman talaga!

"Tara na." hindi niya man lang ba papansinin ang porma ko?

"T-Teka! Anong itsura ko?"

"Pangtao bakit?" kapag siya ang kausap mo dapat mahaba talaga ang pasensya mo.

"H-Hindi! 'Yung porma ko... Ayos ba?" tinaas-baba ko pa 'yung kilay ko.

"Oo naman. Mas gwapo ka pa nga saakin."

"M-Malamang! Ako ang lalaki!"

"Tss. Kung ako naging lalaki mas gwapo ako sa'yo!"

"H-Hindi pwede!"

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now