CHAPTER 45

121 6 1
                                    

Camilla's POV

Pumunta ako sa banyo niya at binasa ang bimpo na hawak. Bumalik ako sa kama at malumanay na pinunasan ang katawan niya. Inuna ko ang mukha niya na may tuyo pang dugo.

"I'm sorry..." pinagpatuloy ko ang pagpupunas ng katawan niya at tinaggal na rin ang suot n'yang sapatos. Hinubad ko ang suot niyang damit at pantalon. Natuon ang paningin ko sa katawan niya. Madaming peklat at ang iba ay halata pa ang tahi. Kaya ba ganito ka katigas? Sobrang dami na ng pinagdaanan mo. At sa mga oras na 'yun wala ako sa tabi mo para umagapay.

Naluluhang tumayo ako at pumunta sa cabinet niya. Kinuha ko ang isang sando at pajama. Sinuot ko 'yon sa kan'ya at kinumutan. Hinalikan ko rin siya sa noo bago lumabas.

Pangako babawi si mama...

Citadel' POV

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na tunog ng cellphone ko. Aishh! Bwisit! Nakalimutan kong i-off ang data. Damn it!

Nabitawan ko ang cellphone ko sa nabasa. No! No... That's not true! Damn it! No! Dali-dali akong tumayo at kumuha ng checkered polo long sleeve. Sinuot ko 'yon at nagmamadaling bumaba. Dala ko na rin ang susi ng sasakyan at hindi na nagsuot pa ng sapatos. Tanging tsinelas lang ang suot ko.

Walang nakapansin saakin kaya walang naging problema sa paglabas ko.

"Damn it! Faster! Damn it!" lahat ng sasakyan sa unahan ko ay binubusinahan ko. Kapag hindi pa rin bumibilis ang takbo nila nago-overtake na ako. Mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan na sa sobrang bilis nakarating agad ako sa university. Sabado ngayon, walang pasok ngunit hindi ko inaasahang iyon ang bubungad saakin.

Lumabas ako ng sasakyan at patakbong pumunta ng ground. Marami ng estudyante ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang umiiyak na si Bettany. Nasa tabi niya rin si Jayson na umiiyak na katulad ko ay nakapangtulog pa rin. No! This is a dream! No! This can't be happening!

Lumapit ako sa kanila at tumigil ang mundo ko ng totoo ang nakita ko sa post. She's dead! Damn it! I can't believe this! Professor Anjellie is dead. Fuck! Halatang tinorture ang katawan niya bago namatay. Maraming sugat, sira-sirang damit at ang tama ng baril sa noo niya. Napaluhod ako sa harap ng bangkay at nanginginig na kinuyom ang mga kamao.

Damn it! Sinong gumawa sa'yo neto? Fuck! Sunog pa ang kalahati ng mukha niya. Who the hell killed you? Tumayo ako at humarap kila Jayson. Mugto na ang mata nila at wala man lang akong magawa. Maya-maya pa ay dumating ang isang police car at may ambulansya pang kasama. Isang police car lang? Wala silang kasamang homicide team? May mali rito.

"Excuse me? Kami na ang bahala rito. Masamang pumunta sa crime scene." crime scene? Paano n'yang nalaman na dito mismo pinatay ang professor namin? Hindi pa naman siya lumalapit sa bangkay. May bumaba na anim na lalaki sa ambulansya. Doon palang magtataka ka na. Usually dalawa o tatlo lang ang pinapadala para kumuha ng inatake o pasyente.

Hahawakan na sana nila si prof ngunit nagsalita ako. "I'm Commander Citadel Lopez. Can't recognise me?" pinakita ko pa ang chapa na nasa bulsa ko lang kanina pa. Kung pulis sila makikilala nila ako. Kilala ako ng mga pulis sa buong Pilipinas. Nabigla sila sa tanong ko at nagkatinginan pa sila.

"O-Oo naman kilala ka namin." kung kilala n'yo 'ko, dapat gumalang na kayo kanina pa. "S-Sir kailangan na naming dalhin sa ospital ang bangkay." humakbang ako pakanan para pigilan ang isa sa kanila.

"Kung pulis kayo, alam n'yong detectives, NBI, FBI at homicide team lang ang pwedeng gumalaw sa crime scene at sa bangkay." mas lalo silang natigilan sa sinabi ko. Sabi na eh. Kanino kayong tauhan?

"Pero... Inutusan lang kami ni boss." boss? Aisshh! Anong klaseng boss?

"Yah... Jayson huwag mo silang palapitin kay prof." umalis ako sa harap nila at pumunta sa isang gilid. Tinawagan ko si Victoria.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now