CHAPTER 31

110 3 1
                                    

Cameron's POV

Nasa loob na kami ng bahay at talaga namang umaalingasaw ang amoy ng yaman dito. How can she be so successful like this? Agent lang ba talaga siya... O may iba pa siyang trabaho? 7 pm na at talaga namang kumukulo na ang tiyan ko.

"Meow! Meow!" May pusa? May pusa siya?!Lumapit sa pwesto namin ang pusa at tinitigan pa kami bago ito pumunta sa pwesto ng mama raw ni Magenta. Nanlambing pa ito na para bang ilang taon niyang hindi nakita ang amo.

"Tita... Samahan mo na sila sa kusina para naman makapagluto na ng dinner." Tinuro pa ni Citadel ang mga maids namin. Okay na rin yun at least makakain na kami.

"O sige, babalik din ako kaagad ipapaliwanag pa natin sa kanila ang lahat."

"Pwede bang ikaw na lang tita? Inaantok na ako ehhh." Humikab pa ito habang kinakausap ang tita niya kuno.

"Gusto mo batukan kita? Umakyat ka at magpalit ng damit! Pagkatapos bumaba ka agad at kakausapin natin sila!." Naparoll eyes lang ito at iniwan kami. Padabog itong umakyat at talaga namang rinig namin ang pagdabog nito.

"Ang ikli talaga ng pasensya na isang yun." Hindi ba sila magpapakilala? Nahihirapan na ako rito ahhh!

"Oo nga! Siya nga pala everyone magpapakilala kami." Sagot ng isa sa kanila na kanina pa nakangiti.

"I am Victoria Wong and I'm also the hacker of the alpha team." Siya... Siya yung tinutukoy kong palaging nakangiti sa grupo. Wong? One of the richest in China.

"Shane Kimawoto." Kimawoto? Pinakamayaman sa Japan. Pareho silang singkit ni Victoria mas matangkad nga lang siya. Ang pinakaseryoso sa kanila. Hindi ko pa siya nakitang ngumiti.

"Lesley Hernandez from Spain." Hernandez? Tangina! Ang yayaman ng kagrupo niya. This Lesley Hernandez is a mistisa kung tawagin dito sa pinas. Isa rin siya sa palangiti sa magkakaibigan.

"Adrianna Seok at your service." Korean? At Seok? Kaano-ano niya ang kaibigan kong milyonaryo na si Adrian Seok? Isa siya serious mode sa kanila.

"Cherry Zelski from Russian." Fuck! A Zelski? Tanginang yan! Kahit hindi na nga sila magtrabaho! Ang yayaman nila! Itong si Cherry para s'yang pangalawang Victoria. Ang isa pang clown ng grupo.

"Wala pa rin ang batang yun? Ang tagal niya naman?" Andito na pala ang mama ni Magenta. Naglakad ito papuntang hagdan. Hindi pa man siya nakakaakyat ay bumungad na saamin si Citadel. May dala itong mga hoodie. Aanhin niya yan?

Tinapon niya ito sa Shane na yun. "Magpalit muna kayo... Mukha kayong mga bata sa itsura niyo." Naabusangot namang pinamigay ni Shane ang hoodie sa iba pa. "Pumasok kayo sa comfort room at maghilamos... Ang babantot niyo." Umupo ito sa isang single sofa. Para talaga siyang lalaki! Nakapandekwatro pa!

"Sobra naman yang pang-amoy mo!" Pagkatapos sabihin yun ni Lesley ay sabay-sabay silang umalis at pumunta kung saan.

"Magsisimula kami kapag nakabalik na yung lima." Nagsalita ang tita ni Citadel. Namayani ang katahimikan sa sala. Parang may maririnig kang ibon na.

Kruuu... Kruuu... Kruuu

"Hoy Ace! Anong klaseng hoodie 'to?" Napatingin ako sa gilid ko ng marinig ko ang rants ni Victoria. What the anong klasemg hoodie yan? Lahat yun kulay black at may mga emoji.

"Black hoodie." Tanginang sagot yan! May sense.

"Bakit gan'to? May mga emoji?"

"Kayo yan." W-What? Ahhahaahha. Kay Victoria ay yung emoji na labas ang lahat ng ngipin. Kay Lesley naman ay yung medyo labas ang ngipin. Kay Adrianna ay seryosong emoji. Kay Shane naman ay yung emoji na guhit ang mata at guhit din ang bibig. Kay Cherry ay emoji ma labas din ang ngipin pero medyo mapula ang pisngi.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now