CHAPTER 47

112 7 2
                                    

Citadel's POV

"Miss! Gising! Miss!" mabilis kong naimulat ang mata ng may yumuyugyog saakin. Nakatulog ako sa itaas ng sasakyan. Isang binatang lalaki ang gumising saakin. May dala itong lubid at kung ano pang bagay na hindi ko mawari kung para saan. "Okay ka lang ba Miss?" hinilamos ko ang palad sa mukha para mahimasmasan.

"I'm okay." ngumiti naman ito.

"Sumama ka kaya saakin Miss. Pupunta ako ngayon sa farm." magandang ideya 'yan. Saka ayaw ko pang umuwi. Iinit lang ang ulo ko ro'n. Tumango ako at bumaba ng sasakyan. Ang problema lang nakadress pa ako.

"Sandali... Magbibihis lang ako." pumasok ako ng sasakyan at hinubad ang dress. Kahit ano namang silip niya sa sasakyan hindi niya ako makikita. Kahit hindi ko siya sinabihan, nakatalikod siya sa sasakyan at palinga-linga. He's a good boy huh? Nagsuot ako ng white sneakers at isang joogging pants na black. Nakawhite t-shirt naman ako sa pangtaas.

Bumaba ako at ni-lock ng mabuti ang sasakyan. "Tara na." napatingin siya saakin.

"Sige!" tahimik ang paglalakad namin. Hindi kalayuan sa sasakyan ko, huminto kami sa parteng mataas at sa baba no'n ay makikita mo ang mga taong abala. "Dito tayo dadaan." tinuro niya saakin ang hagdan na gawa sa lupa at inukit lang ito para magmukhang hagdan. Sa gilid naman nito ay may hawakan na gawa sa kawayan. Nauna siya saakin kaya naman sumunod ako. Mahigpit ang hawak ko sa kawayan dahil madulas ang lupa. Baka gumulong kami pababa.

Narating namin ang ibaba at nagulat pa ako ng sumigaw ang lalaki. "Nay! Tay! Andito na 'ko!" tumakbo siya para yakapin ang tinawag niyang nanay at tatay. That's sweet. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pag-irap saakin ng isang babae. Inaano kita? "Saka pala Nay... Nakita ko s'yang natutulog sa ibabaw ng sasakyan niya. Kaya inaya ko po siyang sumama rito." gan'yan ba talaga magsalita ang mga taga-probinsya? Ang galang naman.

Lumapit ako sa kanila. Saka yumuko. "Aba'y kayganda mo naman ineng! May lahi ka ba?!" ang hyper naman ng nanay niya.

"Ano ka ba Nay! Isa-isa lang!" owshii!

"O sige. Ako nga pala si Naneth, tawaging mo na lang akong nanay Naneth at siya naman ang aking asawa. Tawaging mo na rin siyang tatay Kevin." hinarap nito saakin ang kanang kamay niya. Ito ba ang tinatawag na pagmano? Kinuha ko iyon at dinikit sa noo ko. "Aba'y! Ang lambot ng kamay mo!" hinawakan nito ang kamay ko at hinaplos iyon. Okay?

"Ako naman si Kenneth." pinagsamang pangalan ng tatay at nanay niya ang pangalan niya. Nice!

"Ako naman po si Citadel." yumuko ako ulit bilang paggalang.

"Kuya! Totoo ba 'yung sinabi mong natutulog siya sa sasakyan?" may lumapit saaming isang bata na madungis.

"Oo, bakit?"

"Pwede ba nating puntahan muna? Sa picture pa lang ako nakakita noon eh. Saka sa tv!" hindi ba sila nakakapunta kahit palengke man lang? May sasakyan namang pumupunta sa palengke.

"A-A eh. Nay pwede po ba?"

"Aba'y sige! Pero sandali lang ah. May trabaho pa tayo." geezz. Nauna sila saaking umakyat. Makikita mo ang pananabik sa mga mata nila. Ngunit isa na namang irap noong babae ang nakuha ko. Ano bang problema niya? Sumunod na lang ako at umakyat na rin. Dahil mahaba ang legs ko naabutan ko pa sila.

"Wow! Wow!" umikot-ikot ang madungis na bata sa sasakyan ko. Pati ang mga matatanda ay nakisali na rin. Na pati ilalim ng sasakyan sinilip nila. That' weird. "Ate! Pwede ko bang hawakan?!" tumango ako sa bata. Ganito ba makipag-usap sa probinsya? Kailangang sumigaw? "Grabe ang kinis kuya!" dalawang palad na ng bata ang hinaplos sa sasakyan. Ang saya niya.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now