CHAPTER 6

101 2 0
                                    

Citadel's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang cafeteria. Matagal ang nakalaan na oras para sa breaktime. Isang oras ang recess namin. Mag-isa na lang akong naglalakad dahil pinauna ko kanina na makalabas ang mga classmates ko.

Pinagmasdan ko ang cafeteria, iba-iba ang mga tinda rito. May parte ng cafeteria na sa university mismo galing ang tinitinda at may parte naman na parang inuupahan ng ibang nagtitinda.

Malaki ang cafeteria para magkasya ang college at high school students. Kasabay namin sila pag breaktime. Not minding all the stares, naglakad ako papunta sa mga tinderang umuupa. Masyadong sosyal ang binebentang pagkain ng university.

"Ano saiyo ineng? Marami kaming tinda rito." Tanong saakin ng isang babae na mahahalatang matanda na dahil sa wrinkles nito at kulay puti nitong buhok.

Tiningnan ko lahat ng paninda nila at masasabi kong masasarap ito. "Magkano po ito?" Turo ko sa pagkaing medyo malayo sa kaniya. "At ito rin po at iyon." Hindi ko namalayang marami na pala akong naturo.

Natatawang tumingin sa akin ang ginang at nagsalita. "Lahat ng nasa labas na paninda iha, ay sampong piso lamang." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Lahat? Eh ibig sabihin sa kaniya lahat tong' paninda?

"Oo iha, saakin lahat ng iyan. Kasama ko ang pamilya ko sa pagtitinda nito." Parang nabasa niya nasa isip ko ahhh. Tumango nalang ako.

"Bigyan niyo po ako ng dalawang piraso ng maruya, banana que, kamote que, turon, puto, basta lahat po yan' tig dadalawang piraso." Gulat sila sa dami ng inorder ko. Ehh paanong di magugulat magisa lang naman akong kakain non'.

Nasa loob ako naka pwesto. Kung ang pagkain na tinitinda ng university ay nasa labas ng store naka pwesto ang mga lamesa at upuan, sa kanila naman ay sa loob ng store. Lumipas ang ilang minuto mauubos ko na kaagad ang pagkain. Hindi ako patay gutom sadyang masarap kumain plus masarap pa yung pagkain.

Tumayo na ako at lumabas ng store ng tuluyang maubos ang kinakain. Kinuha ko ang wallet sa hoodie ko at nagbayad. Nagpasalamat ako sa kanila at aalis na sana ng makaramdam ako ng uhaw. Bumalik ako at tiningnan kong may tinda silang inumin. May'ron naman kaya humarap ako at bumili.

Dala ang juice na nasa plastic cup, naglalakad ako palabas. Malayo pa ako sa gitna ng mapansin ko ang chandelier na nasa gitna ng cafeteria. Isa na lang na turnilyo ang sumusuporta rito para hindi ito mahulog. Huminto ako at pinagmasdang mabuti ang chandelier. Gumegewang na ang chandelier dahil sa pagluwang ng natitirang turnilyo nito. Tiningnan ko kung may madadamay ba kung mahuhulog ito. Wala man lang bang nakapansin na mahuhulog na ito?

Akala ko ay walang tao sa gitna ngunit nagkamali ako ng makita kong may bata doon. Binalik ko ang tingin sa chandelier isang gewang na lang ay mahuhulog na ito.

Tinapon ko ang dala kong juice na para bang walang pakialam kung may matatapunan ako. "Bataaa!!!" Naisigaw ko habang tumatakbo ako. Batid kong nasa akin na ngayon ang atensiyon ng lahat. Mabilis akong nakarating sa bata at mabilis ko ring hinila ang kamay niya papunta saakin. Saktong pagkahila ko sa kaniya ay narinig sa buong cafeteria ang tunog ng nabasag.

Namalayan ko na lang na may tumatakbong ginang papunta saamin ng bata. Lumuhod siya sa harap nito at hinawakan ng kamay ang pisngi ng bata.

"A-a-anak, ok ka lang ba?" Nanginginig na tanong nito. Ano bang ginagawa niya at napabayaan niya ang anak niya? Pinagmasdan ko ito at napagtanto kong tindera ito. Dahil sa uniform na suot nito. Ang tindera ng university ay may pulang blouse. Samantalang wala naman ang mga tinderang umuupa.

Hindi ko na sila pinansin at binalik ang tingin ko kung saan ako nanggaling kanina. Nakita ko ang plastic cup sa sahig at may bakas pa ng juice dito. Inangat ko ang tingin ko at nakita ang isang babae na basang-basa. Siya ata ang natapunan ko kanina.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now