CHAPTER 12

95 4 0
                                    

Jon Alexis POV

Nasa basketball court kami ngayon nagpapractice. Hindi sa labas ahhh yung court na may bubong. Sobrang init naman kung sa labas kami maglalaro.

"Ok team, shooting tayo ngayon." Sabi ni coach. Tumango naman kami at ginawa ang formation. Kompleto kami ngayon kaya maganda magpractice. We form a straight line then coach will pass the ball to us and we are going to shoot it. Uulit uliting lang namin ang ganong routine until coach satisfied.

Inabot kami ng isang oras bago nagsalita si coach. "Ok that's enough." Kaniya-kaniya kaming kuha ng towel para magpunas ng pawis. "Team come here." Nagtipon kami sa harap niya dahil alam kong may sasabihin siyang importante.

"Jon Alexis ba't palagi ka na lang tulala!?" Nagulat ako bigla na lang akong sigawan ni coach.

"E-ehh coach hindi naman ahh?" Tinaasan niya lang ako ng isang kilay. Nagtawanan naman ang team mates ko.

"Inlove na kasi yan coach hahhaahh." Sabat naman ni Jimmy. Kahit kailan ang daldal niya talaga. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Quiet! I just want to say that never stop practicing okay? The intramurals is near, and I want to get the championship okay?" Oo nga pala maglalaro na kami at kailangang paghandaan ko ang team niya. Our great enemy pagdating sa finals.

"YES COACH!!" Tumango naman ito bago nagpaalam. Pumunta naman kami sa locker room para maligo.

Nauna akong natapos kaya naman hinintay ko sila. That girl, when will I see her again?

"Hoy tara na! Kanina ka pa namin tinatawag!" Kailangang sumigaw? Bwisit talaga to, panira ng moment.

"Oo na! Bwisit ka! Ang lakas ng boses mo!" Badtrip feeling ko mababasag ang eardrum ko sa lakas ng boses niya. Akala mo laging may kaaway.

Nagtawanan naman ang mga kasama namin. "Mga tol, alam niyo bang na love at first sight tong' kaibigan natin?" Sabay akbay saakin. Isa pa tong si George, masisiraan ako ng ulo sa kanila.

"Oh? Sino ba yan? Kailan namin makikilala?" Tangina mo Zero.

Tumawa naman si Jimmy. "Palagi kasi kayong absent. Yan' tuloy huli na kayo sa balita haahah." Pangiinis niya. Inambahan naman siya ni Zero ngunit tawa pa rin ito ng tawa.

"So sino nga? Alam niyo ba pangalan?" Pangungulit saamin ni Zero.

Binatukan ko naman siya. "Tumigil ka nga bugok!" Siya naman ang ininis ko. Ayaw niya kasing tinatawg siyang bugok. Ehh Zero ang pangalan niya ehh kaya bugok. Sinamaan lang ako nito ng tingin kaya tinawanan ko siya. "So saan tayo pupunta?" Pag-iba ko sa usapan.

"Sa athletes building nalang may pagkain pa naman tayo doon ehh." Nagsalita ang patay gutom sa grupo si George.

"Patay gutom ka talaga." Himala nagsalita siya. Sino pa ba eh di si Marcus!

Narating namin ang athletes building at nagulat kami ng malinis na ito. At may'ron ring nagpipintura. What the!?

"W-what the fuck! May okasyon ba kaya pinalinisan dito!?" Gulat na tanong ni Jimmy. "Himalang nilinisan to ahh!" Dagdag pa nito. Yeah, its a miracle.

"Cap! Cap! Si forever mo andon! Nagpipintura siya!" Ha? Si Citadel? Sinundan ko ang tinuturo niya andon' nga siya hindi ako inuuto ni Jimmy. May hawak siyang roller at nagpipintura.

"Teka, sino diyan?" Tsismosang tanong ni Zero.

Ngumiti si George at nagsalita. "That girl in a black t-shirt." Turo nito. Hindi pa nila nakikita ang mukha nito dahil nakatalikod ito.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now