CHAPTER 13

99 4 0
                                    

Citadel's POV

Yesterday was a tiring one. Ngayon nga parang ayaw ko ng umalis sa kama. Tinatamad na rin akong pumasok kasi half day lang naman kami. May meeting daw kasi ang lahat ng staff at professors mamayang hapon.

Umupo ako sa kama at nag desisyon na hindi muna ako papasok. Hindi na rin naman siguro sila mag le-lesson. I decided to visit the company that lola Precina give to me. Matagal na rin ng bumisita ako doon.

Hindi na ako kumain. Nagkape lang ako at naligo. I'm staring at my reflection in the mirror. Kapag nasa normal state ako, gray ang kulay na mga mata ko, red kapag galit o nasosobrahan sa emosyon at blue kapag wala na talaga akong maramdaman like being cold all the time.

.........................

"Lanie, prepare and clean my office. I'm on my way." Kausap ko sa secretary ko habang nagmamaneho. I park my car on exclusive  parking lot which means I'm the only one who can park a car in there. I secured everything before stepping out in my car.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 3 at 0 which means 30th floor. Hinintay kong tumunog ang elevator bago lumabas. I saw Lanie cleaning her table.

"Are you busy?" I asked her. Oh? Did I shocked her? Napahawak kasi siya sa dibdib ng marinig na may nagsalita sa likod niya.

Natulala pa ito bago nakapagsalita. "No ma'am, I'm not busy. May ipapagawa pa po ba kayo o may i-uutos?" Ang bilis niya naman atang magsalita.

"Prepare the meeting area without noticing by someone. Don't tell anyone that I'm here." Hindi ko na siya hinintay na makasagot at dumiretso na lang sa loob ng office. Tangina! Makita ko pa lang na ang dami ng pipirmahan ko pagod na ako.

Halos mapuno ang office table ko sa dami nito. Ang kakapal pa. I glance at my watch, I have 30 minutes left before I start the meeting. Inuna ko ang bundle ng papel na medyo mababa pa hindi gaya nong' halos matumba na dahil sa dami ng pagkakapatong. Bakit kasi di' man lang sinabi ni Lanie na ang dami ko na palang kailangang pirmahan?

Unang papel na pipirmahan problema agad. How come na bumaba ang kita? Every month namang tumataas ah? Don't tell me may traydor sa company? I open the computer beside my table and type the password to access the company's profit every month.

January to May ay mataas ang kita. Nagsimula lang bumaba last June to present. Tinapat ko ang cursor sa next para makita ko kung mas lalo pa bang bumaba ngayong August. At hindi nga ako nagkamali, mas marami ngayon ang nabawas. Hindi lang yung kita ang nabawasan pati na rin yung pera ng kompanya.

Every last of week of the month kasi nagkakaroon ng resulta. Sakto namang last week of August ngayon. Who the hell is the traitor? I need to know him/her bago pa bumagsak ang kompanya at magsi-alisan ang mga investors.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang 2 at 5, means 25th floor. Andoon ang security system ng company at ako lang ang may access nun'. 'Ting' Tunog ng elevator. Yumuko ang dalawang bantay na may hawak na baril ng makita ako.

Pumasok ako sa isang room na puno ng monitors. Nagkamali ka ng tatraydurin kung sino ka man. Ang alam kasi ng nagtatrabaho sa kompanyang ito na walang cctv sa loob mismo ng kompanya. Ang alam nila sa entrance lang mayroong cctv.

Well hindi talaga nila malalamang may cctv sa loob dahil maliliit na camera ang pinalagay ko. Bakit ko ginawa yun? Para malaman ko kung sino ang loyal na nagtatrabaho saakin. Kailangan ko ng mapagkakatiwalaan na empleyado lalo na't palagi akong wala.

"Lanie give me 30 minutes." Tinawagan ko muna si Lanie at humingi pa ng 30 minutes.  Tiningnan ko ang lahat ng naging galaw nila simula June hanggang ngayon sa monitor. Hindi ako nagkamaling wala sa empleyado ko ang traydor.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now