CHAPTER 15

104 4 1
                                    

Camillas's POV

Today is Saturday and we plan to have a family picnic. Nagkakaroon talaga kami ng picnic ng isa o dalawang beses sa isang buwan.

"Wife, let's go." Oh! Nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni Carter ang aking asawa.  Tinanguan ko siya at inalalayan niya pa akong pumasok sa van. He's really thoughtful and lovable just like our daughter Magenta.

"Mom, aren't you excited?" Tanong ng aking anak na si Magenta. Siya lang ang tumatawag saakin ng mom o mommy. Ang mga kapatid niya kasi ang tawag saakin ay mama.

"Yes, my lovely daughter." Sagot ko sa kaniya ng nakatingi habang hinahaplos ko ang malambot niyang buhok.

"I'm very excited mommy! Ako kasi ang pumili ng lugar na pupuntahan natin ngayon!" Hyper na kausap nito saakin. Nginitian ko na lang siya at nakipag-usap sa  kanilang lahat.

Namalayan ko na lang na nasa lugar na kami ng pag pipiknikan. Di mo talaga namamalayan ang oras kapag kasama mo ang buong pamilya. Inalalayan kong bumaba ang kambal kong anak na sina Casey at Chase. Mahilig ba kami sa letter C? Yan ang gusto ng asawa ko ehh.

Andito kami sa Pasig Rainforest Park or RAVE Pasig Rainforest. Magaling pumili ng lugar ang aking anak huh? Nakakarelax dito. Naglatag kami ng blanket sa ilalim ng mga puno. Sobrang presko ng hangin dito.

"Ma, pwede na ba akong umuwi? Mas gusto ko pang matulog ehh!" Iritang sabi ng aking panganay. Sinamaan ko siya ng tingin kaya parang tuta siyang nagtago sa likod ng ana.

"Magtigil ka Cameron! Minsan lang nating gawin to, kaya huwag kang magreklamo!" Sumimangot lang ito. Kahit kailan talaga ayaw niyang maisturbo.

"Ma! Nakita ko yung kamukha mo! Andoon siya sa entrance papasok ng mini zoo!" Sigaw saakin ni Chase. Mabilis kong binaling ang tingin ko doon, ngunit wala naman akong nakita.

"I didn't see anyone Chase but a statue." Sagot ko sa kaniya. Nginitian lang ako nito. He's so cute! Wala man lang nagmana saakin.

"Mama, can we swim na?" Tanong saakin ng kambal ni Chase si Casey.

"Yeah, after we eat." Napa yey naman ang kambal sa sinabi ko. Tulad nga ng sabi ko, kumain muna kami. Halos sumabog ang puso ko sa saya ng makita ko ang saya sa mukha nilang lahat.

"Mama tara na po!" Hila saakin ni Casey.

"Ok ok, but wait." Kailangan ko pa kasing ayusin ang kalat nila. Kahit kailan ang kalat talaga nilang kumain! "Guard, maiwan kayo dito. Bantayan niyo ang mga gamit." Utos ko sa dalawang guard na isinaman namin. Tumango naman silang dalawa.

Masaya kaming naglakad papuntang pool. Hindi kami don sa olympic size swimming pool pumunta kundi sa pool na pwede ang bata, yung may slide. Pero kahit nasa pangbata sila Chase maliligo kailangan pa rin silang bantayan. Ang kukulit rin nila ehh.

Namalayan ko na lang na nasa tubig na ang kambal. Basta talaga swimming pool ang bilis nila pero sa pagkain ng gulay sobra naman sila sa bagal.

"Casey, be careful!" Sigaw ko ng umakyat ito sa slide. Jusko! Mamamatay ako ng maaga dahil sa kaba.

"Yes mama!" Sagot nito. Naupo na lang ako sa gilid ng pool habang binababad ang paa sa tubig. Naramdaman ko na may tumabi saakin. Tiningnan ko kung sino yun at napangiti ng makita ang aking asawa.

"Have fun wife, ako na ang magbabantay sa kanila." Alam niya talaga kung paano ako pakiligin.

"Tayo ng dalawa, saka gusto ko ring ibabad ang paa ko sa tubig." Nakangiting saad ko sa kaniya. Tumango lang ito at kinuha ang ulo ko para ilagay sa malapad niyang dibdib. Nakangiti naming pinagmasdan ang mga anak namin na nagkakasiyahan.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now