CHAPTER 7

100 4 1
                                    

Citadel's POV

Second day na ngayon at nandito kami ng classmates sa pathway naglalakad papuntang field. P.E time kasi namin ngayo. Matatagpuan ang field ng school sa likod ng faculty room ng mga professors. Ang faculy roon ay nasa likod ng junior high building, I mean garden pa rin yung likod ng junior high building pero sa dulo ng garden andoon yung faculty room. Get's nyo?

Narating namin ang field at maraming mga nag papractice. Intrams? Interhigh na ba?

"Marahil nagtataka kayo kung bakit marami na ang nag t-training. Sila ang varsity ng school natin. Hindi sila pwedeng huminto sa pag-eensayo dahil sila ang nilalaban natin sa ibang universities." Tumango naman kami.

"So ano pong gagawin natin dito prof? I mean anong ipapagawa niyo?" Tanong ni Jason, yung bakla na kaklase ko. Siya yung nag describe sa school at Headmaster.

"Actually, wala naman talaga tayong gagawin, pumunta lang tayo dito para manood sa kanila." Mahinahon na saad ni prof Jaycee. Dalaga pa siya at bago pa lang sa pagiging professor. Natahimik kami at naghanap ng mauupuan.

Pinagmasdan ko ang mga players na nagpapapawis. May naglalaro ng basketball, soccer, baseball, tennis at iba pa. Nandito kami nakaupo sa part ng field na kung saan ginaganap ang relay at running yun bang track and field. May bubong naman siya so hindi kami naiinitan.

Akala ko kami lang yung section na andito pero marami pa palang iba. Siguro P.E time rin nila pero gaya namin pinanood lang sila. Gusto ko sanang matulog pero wala namang armchair ang mga upuan dito. Kaya no choice ako kundi manood na lang talaga.

Nawala ang antok ko ng bigla na lang tumili si Jason. Bakit naman siya tumitili? Sinundan ko ang tinitingnan niya at napataas ang kanang kilay ko ng lumalapit saamin ang isang lalaki na may dalang bola. Isang tingin mo pa lang sa kaniya ay malalaman mo ng basketball player siya.

"Ahh! Aray! Ano ka ba naman bakla ang sakit ouchh! Tama na sabe ehhh!" Reklamo ng kaklase kong babae ng hinampas hampas siya ni Jason.

"Ehh kase naman babae sobrang gwapo niya kyaaahhh!!." Mas lalo pa itong tumili. "Mukhang ako ata ang sadya niya kyaahh!" Nagniningning pa ang mata nito at parang kiti kiti na nilagyan ng asin.

Tuluyan na itong nakalapit saamin at ngumiti. Anong ngiti yan? Para siyang natatae. "Hi, prof Jaycee!" Masiglang bati niro kay prof. Anong kailangan niya kay prof? Paglalaruin niya ng basketball?

"Anong kailangan mo saakin Mr. Guevarra?" Nakangiti ring sagot ni prof. Ba't ba sila ngiti ng ngiti? Eh ano bang pakialam ko?.

"Gusto ko lang pong malaman kung may'ron bang marunong mag basketball sa estudyante niyo po ngayon. Gusto lang ng team namin may makalarong iba kahit papano." Sa dami naming nandito ba't section pa namin ang pinili nila?

"Hoy! Mr. Guevarra, ang daming naririto ba't kami pa ang nakita niyo! Ha?" Parang kaedad lang namin si prof ahh.

"Eh, prof jaycee iyon ang sinabi ni captain ehh. Alam mo namang pag sinabi non' kailangan mong sundin." Nakasimangot na tugon nito. Kasalanan pa namin? Tumingin saamin si prof at may sumilay na ngiti sa labi niya. Huwag mong sabihing maglalaro talaga kami? Pwes sila ang maglaro ayaw kong mapagod.

"Students, come with us. Tutal marami pa namang tayong time para sa subject natin maglaro na lang tayo ng basketball." Ba't ang saya niya naman ata? Tumayo naman sila at nagsimula nang maglakad. Mabuti naman at di nila ako napansin. Hindi kasi ako tumayo.

Pinanood ko sila at nakita kong kinausap ni prof ang iba pang basketball players. Pagkatapos niya itong kausapin humarap ito sa mga kaklase at sila naman ang kinausap nito. Walang problema kung maglalaro kami dahil sa wala pa kaming uniform, kahit hindi kami na ka p.e uniform komportable naman ang mga suot namin.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now