CHAPTER 49

120 7 1
                                    

Citadel's POV

Sa pangalawang order namin si Christine na ang nagserve. Maganda siya... Pandak nga lang. Haha. Hindi pa man kami nakakasubo ng makarinig kami ng away. Here we go again. Nangagaling iyon malapit saamin. Tumagilid ako para makita kung saan nangagaling ang away. Sa harap ng tindahan ni Aleng Babeth.

May naglalakihang lalaki doon. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7 ,8 ,9 10, and 11. Eleven silang lahat. Ano 'to? Mauulit ang nangyari sa palengke noon?

"Naku! Andito na naman sila! Nay!" nandito na naman sila? Ano 'to? Kumukuha sila ng commission ng hindi authorized? Iba talaga kapag malaki kang tao. Matatakot mo ang maliit sa'yo. Kagaya na lang nito. Tumakbo si Christine nang mabilis palapit sa nanay nito. Pumwesto siya sa gitna at nilagay ang nanay sa likod para protektahan. Rinig na rinig namin ang nangyayari dahil na rin nasa gilid lang ng tindahan kami nakapwesto. Ngunit sa pagkakataong ito wala kaming marinig dahil mahina pa lang ang pag-uusap nila. Kapag lumakas ng kaunti ang boses nila doon pa lang namin maririnig.

"I think alam ko na ang nangyayari." napatingin kami kay Adi ng magsalita ito. Seryoso ang mukha nito. Sigurado nga siya.
"Habang nago-order ako ng pangalawang set nakita ko 'yang mga lalaki kanina. Katulad ng tindahan na 'yan, nasa harap din sila ng ibang tindahan at para bang may hinihintay. I think kinukuhanan nila ng pera ang mga tindahan dito." ang haba no'n ah? Kumukuha sila ng buwis?

Ang mga tindahan kasi rito ay magkakatabi. Means kapag nilakad mo ang kanto papuntang loob lahat ng madadaanan mo ay tindahan. Binalik ko ang panigin kila Christine. Alam kong nagkakainisan na both sides dahil dinuduro-duro ng isang lalaki ang mag-ina.

Napangiwi na lang ako ng may makakita saaming isang lalaki. Ang manyak ng tingin niya saamin. Dinilaan pa nito ang ibabang labi. "Manyak ang puta." nagmura si Lesley. Ang lutong pa naman. "Mukha namang palaka." grabe ang dila niya kung makapanglait. Pero... May point naman siya. Kinalabit ng lalaki ang mga kasamahan at tinuro kami. Ano 'to kami ang kukunin nila? Asa mga ulol!

Naglakad palapit saamin ang mga lalaki. Sumunod sa kanila ang mag-ina na nanginginig pa.

"Babeth kaano-ano mo ang magagandang babae na 'to? Pamangkin mo ba?" sabi na eh! Akala niya kadugo kami ng mag-ina at kami ang magbabayad.

"H-Huwag niyo silang idadamay! Hindi ko sila pamangkin!"

"Wala akong pakialam Babeth!" bakit kasi sumigaw ka Aleng Babeth? Lumabas tuloy na defensive ka. "Jackpot tayo rito nga pare!"

"Oo nga!"

"Hahahah!" well... Let' see. Lumapit saamin ang isang lalaki na sa tingin ko ay leader nila. Umikot-ikot ito at parang timang na aso kung tumingin.

"Lahat sila magaganda Aleng Babeth pero itong isang 'to ang tipo ko." tumigil ito sa harap ko. Kumindat pa ito na para bang madadala ako sa kindat niya. Parang asong ulol ang putangina. "Ang ganda mo miss! Akin ka na lang kaya." huwag na lang. Kahit nga siguro mag-toothbrush hindi mo kayang gawin.

"Ulol!"

"Uyy! Pre! Palaban gusto ko 'to!" nagtawanan silang lahat. "Aleng Babeth wala ka namang pambayad ngayong araw... Saamin na 'tong mga pamangkin mo! Ahhahaah!" napatingin naman saamin ang ginang at parang nanghihingi ng pasensya ang itsura niya. Nilapit saakin ng lalaki ang hintuturo niya. Balak sigurong pindutin ang pisngi ko. Nang malapit na ito sa mukha ko hinawakan ko iyon at binali.

Ang nangyari eh... Binali ko pa harap ang daliri niya. "A-Aray! Aray! A-Aray! Putangina aray!" nagsisisigaw ito sa sakit. Tumalon-talon at iwinawagayway sa ere ang kamay. Hindi na 'yan mababalik unless magpapadoktor ka. "A-Aray!" tss! Para siyang kinakatay na baboy. "Puta ka!" dinuro-duro na naman ako nito. Mag-ingat ka pre... Baka sa sunod mong pagturo saakin braso na ang mababali sa'yo.

HER, Being A BillionaireWhere stories live. Discover now